Chapter 22: Hurt

10.3K 507 705
                                    

'Di ko kayo matiis. Enjoy reading :D

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Akala ko may sakit siyang tinatago pero putangina, babae pala ang tinatago niya.

Bakit hindi ko naisip 'yon? Kasi mukhang sincere siya noong sinabi niyang mahal niya ako? At ano? May anak sila? May anak na sila? Fuck.

"Dakota!" Narinig ko ang boses ni Naruto mula sa aking likuran. Ano? Susundan niya ko para sabahing sila na ni Hinata? Magsama sila!

Mabilis akong pumasok sa elevator at sinarado ito agad. Hindi ko nilingon si Naruto. Kung kanina, excited akong makita siya, ngayon ayoko na siyang makita. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Para akong dinudurog ng wrecking ball sa sakit.

Ganito ba ang nararamdaman ng mga may asawa kapag nalaman nilang may kabit ang asawa nila? Ganito ba? Shit. Ang sakit sakit pala talaga! Partida, hindi pa kami mag-asawa!

Laking pasasalamat ko nang hindi umabot si Naruto sa elevator. Sana lang ay sumuko na siya sa paghahabol sa akin dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong marinig mula sa kanya ang katotohanan.

Kaya pala...kaya pala hindi siya umuwi ay may iba siyang pinagkakaabalahan. Syempre ay si Hinata ang pipiliin niya. May anak sila eh.

Eh ako? Bestfriend lang naman niya ako for like 20 years. Putangina.

Ito iyong sinasabi sa akin nina Lily eh. Na 'pag may ibang babae si Naruto, wala akong karapatang magalit kasi magbestfriend lang kami. Pero ayos lang namang masaktan diba? Kasi kingina, mahal ko siya eh.

Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong hinanap ang kotse ko. Nanginginig ang mga kamay at binti ko.

Alam kong masakit ang magmahal eh. Ilang beses nang nasaktan ang mga kaibigan ko dahil diyan. Pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit. Na parang gusto mo nalang mamatay agad kesa indahin mo ang sakit.

Ayos lang sana...ayos lang kung sila. Matatanggap ko. Tutal naman, noong una gusto kong maging sila. Pero nakakagago naman kasi eh, tinago niya. Nagsinungaling siya. Pinaasa niya pa ako.

Mahal niya daw ako? Puta, asan ang pagmamahal doon? Asan?!

"Dakota!"

"Fuck." Mura ko saka mabilis na pumasok sa sasakyan. Nagkanda-hulog-hulog pa ang susi sa sobrang panginginig ko. Kumatok si Naruto sa bintana, tinted ito kaya hindi niya makikita ang pagiging miserable ko.

"Dakota! Please! Mag-usap naman tayo oh!" Malakas ang pagkakasabi niya kaya rinig na rinig ko. Kinalma ko ang aking sarili saka pinaandar ang sasakyan.

"Dakota! Shit! Please!" Pagmamakaawa niya. Nanlaki ang mata ko nang humarang siya sa harap ng sasakyan.

"Umalis ka diyan...umalis ka diyan." Bulong ko. Pero patuloy siya sa pag-sigaw doon. Nasasaktan ako na makita siyang ganoon pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang months na sila ni Hinata ha? Ilang months na niyang tinago? Ilang months na niya akong niloloko?

Pucha. Nakaya niya 'yon?! Hindi manlang ba niya naisip iyong mararamdaman ko! Wala na ba siyang puso?

Ano? Gumaganti siya kasi ang tanga ko? Ang manhid manhid ko? Eh ang sarap naman pala talaga niyang ipalapa sa mga ipis eh! Tangina, bakit ipis? Pating dapat! O kaya aso! Tigre! Leon!

Pinaandar ko ang kotse at napatalon siya sa gulat pero hindi siya umalis doon. Bumusina ako ng ilang boses at umambang sasagasaan siya pero hindi siya natinag.

The Average QueenWhere stories live. Discover now