Chapter 24: Acceptance

14.2K 509 413
                                    

Long chapter ahead! Enjoy!

Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nasa tabi ko si Naruto na nilalaro ang aking buhok.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang hapdi ng mata ko. Ang sakit ng ulo ko. At nilalamig pa ako.

"I love you." Pambungad na bati sa akin ni Naruto saka ngumiti. Inismiran ko siya. Hindi ko matandaan kung nagkabati ba kami kanina. Iyak lang kasi ako ng iyak.

Luminga ako sa paligid at nakita si Hinata na may dala-dalang bag at mga pagkain. Ngumiti ito sa akin pero nag-iwas ako ng tingin. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Bumibigat nanaman ang pakiramdam ko.

11 PM palang. One hour before Christmas tapos nandito kami sa ospital. Epal naman kasi ni Nautot, naaksidente pa.

"Dakota, nagdala ako ng damit. Magbihis ka muna." Ani Hinata. Tumango ako at tumayo. Inabot ko ang pamalit at nagdire-diretso sa banyo. Hindi ko na sila nilingon.

Wala akong paki kung mag-usap sila. Hindi ko pa rin lubos maintindihan ang nagawa nila pareho. Niloko nila ako at pinagmukhang tanga. Hindi ko na iyon makakalimutan.

"Sobrang panget ko naman." Simangot ko nang makita ang aking mukha. Magang-maga ang mga mata ko. Parang kinagat ng ipis. Mukha tuloy akong intsik.

I took a deep breathe then I did my usual motivational speech in the mirror, "Ikaw ang pinakadyosa. Kahit ang panget mo ngayon, dyosa ka pa din."

Naghilamos ako para mawala ang antok bago isinuot ang  sweat shirt, jacket at jogging pants. Mayroon pa ngang Christmas socks kaya sinuot ko rin pati ang pambahay na tsinelas. Ginaw na ginaw ako kanina, mabuti at dinalhan niya ako ng damit.

Paglabas ko ng banyo ay tahimik pa din sa labas. Walang nagsasalita sa dalawa. Ganyan ba talaga sila o hindi lang talaga sila naguusap ngayon dahil nandito ako?

Nahiya pa sila.

"May suklay ka?" Tanong ko kay Hinata. Tumango siya at kinuha ito saglit bago iabot sa akin. Umupo ako sa monoblock chair at pinilit suklayin ang magulo kong buhok. Nagkabuhol-buhol na ito kaya ang hirap ayusin.

"Dakota..." Tawag ni Hinata sa akin after kong magsuklay.

Ang kapal din ng mukha niya para tawagin pa ako eh 'no? Charot. Nilingon ko siya, "Bakit?"

Kailangan kong maging kalmado. Ayoko naman kasing manapak ng mukhang anghel. Baka ako mapagkamalang kontrabida.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahina niyang sabi.

Tumango na lamang ako. Galit ako sa kanya. Siya ang puno't dulo ng pag-aaway namin ni Naruto. At talagang kailangan naming mag-usap.

"Sa labas?" Tanong ko. Tumango siya at tumayo.

Tinignan ko si Naruto na kanina pa nakatitig sa akin. Gusto yata ako nitong tunawin.

Ngumiti ako ng tipid, "Diyan ka lang. Gusto mo ng hot choco?"

"Ikaw lang ang gusto ko ngayon." Sagot niya nang nakangisi. Inirapan ko na lamang siya at sumunod kay Hinata sa labas.

Tahimik ang ospital kahit pasko. May iilang nurse akong nakasalubong. Bumabati sila ng 'Merry Christmas' sa lahat. Binabati ko naman sila pabalik.

Sa bench sa gilid ng vendo kami naupo ni Hinata. She looks really nervous. Well, dapat lang. Pasalamat nga siya at sa akin siya nakagawa ng kasalanan, hindi kay Stasia (literal na papatayin siya noon) o kay Caeleah (mapapaihi ka sa takot sa kanya). Kung kay Breanna naman siya nagkasala, mahoholy smurfs lang siya doon, baka kantahan pa siya ng do u wanna build a snowman noon eh!

The Average QueenWhere stories live. Discover now