Tula # 9

654 48 1
                                    

Titulo: Pinky Swear

Naalala mo pa siguro noon.
Sinubukan mo akong ligawan isang hapon.
Nagtanong ka kung pwedeng maging tayo.
Hindi ako makasagot, ni-makatitig sa iyo.
Para sa akin ikaw ang kuya ko.
Kapatid, kaibigan, at katropa ko.
Hindi ako nagdalawang isip na sumagot.
Hindi agad ang nasabi kong sagot.
Dahil bestfriend lang ang nagtatagal nang tunay.
At noo'y bestfriend lang ang kaya kong ibigay.
Nag-pinky swear pa nga tayo.
Parang bata lang naglalaro.
Kasi bata pa tayo noon.
Masaya pa tayong tumatalon.
Nagpapaagos sa hangin,
Lumalangoy sa buhangin.
Daing natin ay hindi pa pag-ibig.
Damdamin natin ay kusang umibig.
Hindi namamalayan
Magkaiba pa ang ugnayan.
May iba kang gusto,
At may iba akong gusto.
Pero bakit ngayon.
Ikaw, iba na ang gusto,
At ako, ikaw nalang ang gusto?

SAVAGEBLOSSOMWattpad2018------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
------------------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now