Patalastas

206 6 0
                                    

Titulo: Wakas

Hindi tugma ang ngiti mo sa mga mata mo.
Kitang-kita ko, paano ka tumawa.
Ngunit hindi ko dama na masaya ka.
Talaga bang itatago mo na lang, tunay mong nadarama?

Hindi maitatago ng mata.
Pusong nalulunod sa lalim ng natamong mga sugat.
Luhaan pa rin ito,
Nagmamaka-awang mayroong sumagip nito.

Saklolo!
Kailangan niya ng tulong.
Durog at wasak na mga nagkapira-pirasong pusong nawarak.
Nagdadalamhating damdamin, walang nakaririnig kung hindi lamang siya.

Hawak niya ngayon ay tali.
Upang buhay ay sadyang kitilin.
Walang maihahambing, puro lamang hikbi.
Pagod na siyang lumaban.

Hindi na niya hawak ang buhay niya.
Hawak na ito ng mundong hindi siya minahal.
Hindi binalik ang nararapat para sa kaniya.
Kaya ngayon, siya'y magpapaalam na.

Malupit ang mundo.
Hindi siya nito binigyan ng pag-asa.
Puro pasakit, pighati ang sinukli nito.
Nagbayad ng sapat.
Sakit ang katapat.

Paalam na aking mundong minahal.
Sadyang hindi ko malaman kung saan ako lulugar.
Marahil hindi para rito.
Ang lugar ko para sa iyo.

Ang lugar ko para sa iyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

**Nako! Parang suicidal. Ayts.

-----------------------------
SAVAGEBLOSSOM
wattpad2018
All Rights Reserved
-------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now