Tula #43

124 2 0
                                    

Titulo: Unti-unti nang nawawala

Unti-unti nang nawawala.
Pag-ibig na akala 'di mawawala.
Bigla na lang hindi nadama,
Hindi na pala masakit kapag nakikita ka.

Unti-unti nang nawawala.
Mga bakas ng iniwan mong marka.
Sa puso ko na dinaanan mo lang.
Kailangan din na kalimutan na lang.

Unti-unti nang nawawala.
Sakit na akala ay nakaukit na.
Mawawala rin pala,
Mga sakit ng ala-ala.

Unti-unti nang nawawala.
Mga bakas ng ating pagmamahalan.
Sa pagtingin kong muli pabalik sa ating nakaraan.
Hindi ko na madama ang dating nararamdaman.

Unti-unti nang nawawala.
Hindi sa salitang nawawala.
Kundi sa salitang mahal ko na muli.
Sarili kong nawala nang minahal kita.

SAVAGEBLOSSOMWATTPAD2018All Rights Reserved-------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
All Rights Reserved
-------------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon