Tula #41

115 3 0
                                    

Titulo: Katulad ng kahapon

Sa mga sandaling lumingon ako sa aking bintana,
Nakita kitang muli sa haplos ng malamig na hangin.
Nakita ko ang tamis ng mga ngiti.
Nakayakap sa kumpas ng tinig ng mga dahon.

Pinagmamasdan ko ang mga sandali.
Kung kailan wala na ang dating tamis.
Mga halik na nalimot na sa labi.
Lumawak sa kawalan ng mga hikbi.

Pinili kong piliin ang pagkawala.
Tumatak sa puso na tila nagbabadya.
Mga luha na hindi na pumatak.
Nalilito kung may sasakit pa ba sa mga alaala.

Kumumpas aking mga kamay.
Isasara na ang bintana.
Hindi na kaya pang makita kang muli.
Kahit larawan mong nakaukit lamang sa hangin.

Katulad ng paglimot sa ating pagmamahalan.
Ihahalintulad sa nadurog na piyesa ng mga tula.
Ang wakas na hindi natin nasimulan.
Katulad ng kahapon na wala nang babalikan.

SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now