Tula #16

364 25 1
                                    

Titulo: Ang tula na aking Kinatha

Minsan ko nang nalimot ang aking mga tula.
Ngunit hindi ang poot na sa iyo'y nadama.
Hindi nga ba'y ikaw ang dahilan kung ba't ako'y tumutula.
Mistulang dugo't panaghoy kasama ng plumang aking kinakatha.

Sa bawat salita nito'y aking pinadarama.
Pag-asang nilisan ng pangakong pinako't hindi kailanman natupad.
Paano nga ba ako lilimot?
Paano nga ba ako lalaya?
Paano nga ba ako aahon?

Bawat salita,
Bawat liriko,
Bawat katha na aking ginagawa.
Ikaw ang kadahilanan sa bawat pagdadahilan ng bawat pagsagot sa mga katanungan.

Sino nga ba ang akda ng tulang aking kinakatha?
Ako nga ba na hindi makalaya sa sakit na nadama.
O ikaw na pinalaya't sumaya kasama sa piling ng iba?

O ikaw na pinalaya't sumaya kasama sa piling ng iba?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-SAVAGEBLOSSOM-

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now