Tula #19

290 12 0
                                    

Titulo: "Tigil na sa pagtakbo"

Dali-dali kang umalis.
Iniwan puso kong naghihinagpis.
Saan na nga ba ngayon?
Puso mong dali maka-ahon.
Habang ako'y nananatiling nakakahon,
Sa sugat ng kahapon.
Kung ako'y magsisimula,
Ng isang bagong kabanata.
Hindi na magmamahal ng katulad mo.
Hindi na hahanap ng gan'yan sa iyo.
Hindi ko na makakaya kung may sasakit pa sa naramdam kong ito.

Ilang araw pa ba ang bibilangin.
Ilang alak pa ang lalaklakin.
Ilang luha pa ang papatakin.

Napapagod na rin akong maging sawi.
Ayoko na mawili sa sakit at pighati.
Hindi naman ikaw ang taong pinangarap ko.
Pero hinayaan kong mahulog ako ng ganito sa iyo.

Kung biglaan kitang minahal,
Biglaan ka ring lumisan.
Saan napunta ang pagmamahal?
Bakit nawala na lang bigla-bigla?
Hindi naman tayo nagpapabilisan.
Hindi rin nagpapabagalan.
Sana iyong katamtalaman na lang.
Baka-sakaling makasabay pa ako, paminsan-minsan.

Pagod na ako tumakbo.
Malayo na rin ang natahak ko.
Nalimot kong may hika pala ako.
Lalakad na lang ako, baka sakaling mahabol mo pa ako.

--------------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved---------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

--------------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
---------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now