Tula #31.5

138 5 0
                                    

Titulo: Hindi ito tula. Hugot 'to!

May nakasagi sa akin kanina.
Humingi naman siya ng paumanhin.
Naramdaman atang may nasaktan siya.
Sabi ko, okay lang.
Sanay naman na ako.
Ang masaktan nang hindi niya nalalaman.
Ang masaktan nang hindi niya sinasadya.
Ang masaktan kahit walang humihingi ng paumanhin.
Minsan akala ko sadya na.
Akala ko, normal na lang.
Iyong nasasaktan ako.
Nasasaktan ako nang paulit-ulit.
Bakit nga ba ganoon?
Dahil tinatanggap ko siya nang paulit-ulit?
Iyong pinapatawad ko siya nang ilang ulit?
Kaya nga ba niya ako paulit-paulit lamang sinasaktan?
Okay lang naman.
Ako lang naman.
Sino ba naman ako para sa kaniya?
Isang laruan na itatapon na lang.
Isang bagay na hindi nababagay sa kaniya.
Minsan mas masakit pa ang hindi mahalin.
Kaysa masagi ka ng isang taong hindi mo kaanu-ano.
Mas masakit pa ang hindi ibigin,
Kaysa ang gawin kang pader ng taong ginawa mong mundo.

**Puro kalokohan na ang aking mga susunod na ihahain sa Tula ng Sawi! CONGRATULATIONS DAHIL NAABOT MONG BASAHIN ANG TULA HANGGANG DITO! KAWAY SA IYO! :)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

**Puro kalokohan na ang aking mga susunod na ihahain sa Tula ng Sawi! CONGRATULATIONS DAHIL NAABOT MONG BASAHIN ANG TULA HANGGANG DITO! KAWAY SA IYO! :)

---------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
---------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now