Tula #37

189 5 1
                                    

Titulo: Leron Leron walang Sinta

Leron, leron sinta.
Ay --Sinta'y wala pala!
Leron, Leron lang,
Walang kasing sinisinta!

Buko ng papaya.
Buko, dati'y buhay ko ang kanta.
Ngayon ay bukol ko na,
Galing sa buko ng papaya na nahulog sa ulo ko dahil sa pagkanta.

Dala-dala'y Buslo.
Dala mo pala ay sako.
Hanap mo pala ay palay.
Akala ko'y gulay.

Sisidlan ng bunga.
Damdamin ay hitik sa paglago.
Hindi mo sinidlan kaya nalanta lamang ito.
Ang natatanging damdamin na hindi man lang namunga.

Pagdating sa dulo.
May dulo ang lahat.
Kahit saan patungo.
May hangganan pa rin ang lahat.

Nabali ang sanga.
Pag-ibig mo'y parang sanga.
Marupok, kaya bigla-biglang nababali.
Pag-ibig mo'y kay rupok, damdamin mo'y kay daling mabali.

Kapos kapalaran.
Hindi ko hawak aking kapalaran upang ika'y ipaglaban.
Kinapos ang aking sandata, sa ating pagmamahalan.
Kapos ang kapalarang ikaw ay masakatuparan.

Humanap ng iba.
Ikaw, sa ganito walang kasing lupit pa.
'Di pa nga putol ang sanga, nakahanap ka na ng iba.
Nagsisimula pa lang ang kanta, ikaw ay naroon na sa kaniya!

*'nimal!

*'nimal!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


------------------------
SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
All Rights Reserved
-----------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now