Titulo: Pinili(t)
Pinili kong layuan ka.
Para maging masaya ka.
Hindi para sa akin.
Kung hindi para sa inyong dalawa.Pinili kong iligtas ka.
Para maging matagumpay ka.
Kahit hindi para sa akin.
Para sa katuparan ng mga pangarap mo.Pinili kong palayain ka.
Para makapili ka.
Kahit hindi ako ang mapili.
Basta iyon ang tunay mong damdamin.Pinilit kong limutin ka.
Pero hindi ko pala kaya.
Kaya kong gawin lahat.
Huwag lang ang kalimutan ka.SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
ALL RIGHTS RESERVED
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
YOU ARE READING
Tula Ng Sawi
PoetryHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.