Tula #49

90 1 0
                                    

Titulo: Pag-ibig ng isang hangal

Minsan hindi ko na malaman saan na nga ba ako.
Sa daan na naliligaw kung saan patungo.
Dumidiretso pero lumiliko.
Umaabante pero madalas na paatras ang takbo.

Dalawang hakbang palayo,
Tatlong hakbang pabalik sa iyo.
Nakakalimutan ang tunay na direksyon.
Palaging paglingon ang aksyon.

Kung alam mo lang kung gaano kahirap.
Hindi ganoon kadali magpanggap.
Naloko na dahil sa isang hakbang, sira na uli ang pagtanggap.
Iyak muli ang paglingap.

Sasakay sa jeep na may byaheng palayo sa iyo.
Pero bumalik ang jeep dahil paikot ang ruta nito.
Paikot-ikot, pero balik pa rin kung saan ito hindi makalimot.
Pamasahe ay limutin ka, sukli ay pusong palaging kumikirot.

Madaya.
Madaya kasi walang ibang kasiyahan,
Kundi ang taong nagpapaluha.
Lumisan ang kasiyahan, nanatili sa daan ang kalungkutan.

Gusto kitang padaanin muli sa buhay ko.
Ngunit anumang pilit hindi ka na nadako rito.
Maski anong hintay, wala nang mararatnan.
Wala na ang dating tagpuan.

Bumalik man ako ng ilang ulit.
Bumalik man ako ng ilang pilit.
Paikot-ikutin man ang ruta ng jeep.
Kung wala ka na, wala na ring sasagip.

Kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa.
Palit-hakbang, palit-hakbang na.
Kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa.
Palit-hakbang, palit-hakbang na.
Isang tunog ng alaala mo,
Isang likod-rap lang katapat, takbong G1 agad na.

Sa iyo pa rin ako tatakbo.
Kahit alaala nalang tayo nagtatagpo.
Sira na ang lugar na pinangako mo.
Pero hanggang ngayon, nananatili ako.

Kung mayroon man akong nais isambit.
Iyon ay mananatili ang puso kong nakakapit.
Sa lahat ng pagmamahal na ilalaan lamang sa iyo.
Aayusin, mabigyan lamang ng tamang panahon.

Itong daan na laging patungo sa iyo.
Ang mga hakbang na palaging pabalik sa iyo.
Ang jeep na ang laging ruta ay pabalik sa iyo.
Itong puso na ikaw ang laging tinitibok nito.

----------------------------SAVAGEBLOSSOMALL RIGHTS RESERVEDWATTPAD2018-----------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------------------------
SAVAGEBLOSSOM
ALL RIGHTS RESERVED
WATTPAD2018
-----------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon