Tula #12

495 36 1
                                    

Titulo: "Ang tanong na naiwan mo"

Bakit, ano, paano, sino, saan, kailan.
Mga tanong na kailanman ay di na masasagutan.
Bakit mo ako iniwan?
Anong nagawa ko para ika'y lumayo?
Paano mo ako nagawang saktan?
Sino nga ba talaga ako para sa iyo?
Saan na nga ba ako magsisimula?
Kailan mo ako balak balikan?

Marami akong katanungan.
Paikot-ikot aking isipan.
Binubulong na maaayos din ang lahat.
Na itong sakit ay may rason na katapat.
Tunay nga ba at tapat?
Pag-ibig mo sa aki'y pinagtapat.
Bakit tila hindi na kita makita,
Pati anino mo ay naglaho na.
Hindi pa nga ba ako sapat?
Sa damdamin ko sa iyo rin ay pinagtapat.
Hindi mo ba naramdaman?
Pag-ibig ko sa iyo ay laging tapat.
Kusa itong umusbong at hindi na malaman dahilan.
Bakit nga ba ako umibig,
Kaibigan lamang ang iyong ibig.
Hindi ko akalain,
Delubyo iyong hatid.
Tunay na pagibig ang inihain.
Sakit lang pala ang iyong batid.

Sakit lang pala ang iyong batid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
----------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now