Tula #15

385 23 15
                                    

Titulo: Ang sagot na hindi mo matanto

Siya ang hinihiling mo sa kalangitang puno ng bituin.
Siya ang dasal mo sa alapaap ng mapayapang langit.
Ako ang bituing nahulog para tupdin ang iyong hiling.
Ako ang umako upang dalangin mo'y  makamit.

Siya ang iyong langit na bigay sa iyo ng maykapal.
Ako ang iyong lupa na alay sa iyo ang lahat ng iyong nais.
Siya ang iyong bituin na lumiliwanag sa talas ng kaningningan.
Ako ang kadiliman na bumubulag sa masidhing daing ng iyong puso.

Ako nga ba kailan magiging siya?
Tulad mo lang din akong nagmamahal sa maling ligaya.
Ako nga ba ay wala nang magagawa?
Pag-asa pa nga ba'y sa iyo'y matatamasa pa?

Kung sakaling mahulog ang bituin.
Hindi masagot ang mga dalangin.
Tuluyang mawalan ng kinang ang iyong tala.
Makikita mo na ba ang aking inaasam-asam na pagsinta?

SAVAGEBLOSSOMWATTPAD2018ALL RIGHTS RESERVED------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
ALL RIGHTS RESERVED
------------------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now