Tula #33

145 6 0
                                    

Titulo: Simbang kasama ka

Mayroon akong kasama noon magsimba.
Pinaniwala rin sa salitang mahal kita.
Hawak kamay noong Ama namin na.
Kilig naman ako nang sobra.

Tuwing magsisimba ay hatid sundo ako.
Pupuntahan muna ako sa bahay sabay lakad papunta sa de gallo.
Bihis na bihis pa dahil alam kong siya kasa-kasama ko.
Hanggang makauwi, isang yakap lang tuwang-tuwa na ako.

Masayang magsimba kasama siya.
Nagkakaroon ng dahilan para gumala muna bago diretsong bahay.
Ihahatid niya naman habang hawak muna ng kamay.
Bago lumingon, kakaway muna ng babye.

Hanggang sa isang araw, ako na lang nagsisimba.
Wala nang nagsusundo sa akin tuwina.
Wala nang naghahatid sa akin pauwi at kahawak-kamay ko'y wala na.
Paglingon ko, wala na ang kaway at napalitan na ito ng permanenteng goodbye.

Dati, pagsapit ng Disyembre,
Buo nating natatapos ang siyam na araw.
Siyam na araw na palagi tayong magkasama.
Mga araw na tuwang-tuwa pa akong kasama ka.

Hindi na gaya ng dati.
Halos lahat nagbago na.
Wala na ang dating ikaw at ako na napagkakamalang tayo.
Naglaho na ang mga araw na hindi ko na alam kung mababalikan ko pa.

Paglingon ko sa rating ating upuan,
Ibang tao na siyang naglalambingan.
Ibang tao na magkahawak-kamay sa Ama namin.
Kagaya natin, naging ibang tao na tayo sa isa't isa kung susumahin.

Napagtantong isa lamang pala itong alaala.
Kung wala ito'y 'di ko rin naman maalala.
Isang litratong nakatago sa kahon.
At isang alaala nang aking ibabaon.

---------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved-------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
-------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now