Huling mensahe para sa iyo

124 1 0
                                    

Titulo: Mahal, paalam na.

Kung kailan mo sinabi na mahal mo ako.
Sa panahon na iyon mo dinurog ang puso ko.
Alam kong may mahal ka na.
Pero kahit kailan ay alam mong tatanggapin pa rin kita.

Nagtyaga akong maghintay.
Naghintay maging priority.
Naghintay na mahalin.
Naghintay na piliin.

Mahirap pala lumaban.
Kung iisa ka na lang na may hawak ng sandata.
Ikaw na lang kasi nagbubuhat ng lahat ng bigat.
Pero tandaan mo, lahat iyon ay kinaya ko para sa iyo na mahal na mahal ko.

Kasi isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng pag-iyak.
Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng paggawa ng tula.
Isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng katangahan.
Iyon ay dahil mahal na mahal ka kahit sobra akong nasasaktan.

Bakit ba kasi ikaw?
Ilang beses kong katangunan.
Lagi kasing sagot ng puso ko,
Ikaw lang ang tinitibok nito.

Ikaw lang nakapagbaon ng ganitong sakit.
Ang sakit, sakit, sakit. Sakit.
Sobra.

Alam mo iyong kailangan kitang kalimutan.
Kasi kapag pinagpatuloy baka hindi na mapigilan.
Angkinin na kita at hindi na papakawalan.
Pero 'di ako ganoon magmahal, kung saan ka masaya, doon kita laging susuportahan.

Pasensya na kung marami ang mga tula.
Bawat letra, ganiyan karami ang pangungulila.
Mis na mis na kasi kita.
Masakit pala iyon kapag totoong naramdaman mo na.

Hindi naman ako pwedeng tumawag.
Hindi ka rin pwedeng kausapin.
Kasi alam ko naman na hindi mo gusto.
Hindi mo na kasi ako kailangan.

Ganoon mo ako itrato e.
Para akong walang halaga.
Iyong parang basura.
Tapos na kaya itatapon mo na.

Samantalang ako, halos ikamatay ko na.
Noong nawala ka.
Tapos hindi pa rin mawala-wala lahat ng sakit.
Damang-dama pa rin kahit ngayon na may bago ka ulit.

Gaano karami na kaya ang naiyak ko?
Lumalaban ako para lang maging okay ako.
Kasi kitang-kita ko lahat ng pangloloko mo.
Lahat ng pang-uuto mo.

Ang tanga-tanga ko.
Hindi na ako nagtira para sa sarili ko.
Kaya kong isakripisyo lahat ng pangarap ko.
Maipakita ko lang ang pagmamahal ko para sa iyo.

Binura ko na lahat e.
Pero bakit may bakat pa ring natitira?
Sana lahat ng ito, matapos na.
Iyon lang ang natitirang kahilingan para matapos na.

Alam mo bang iniisip pa rin kita.
Baka kasi ikaw naman talaga.
Pero sa tuwing naalala ko kung paano mo ako ginawang tanga.
Huwag na lang pala, kakayanin ko na lang mag-isa kahit wala ka.

Heto na, tatapusin ko na.
Iiwas na ako isipin ka.
Kahit dito sa puso ko may kirot pa ring nadarama.
Wala eh, hindi ko naman madadaya ang puso kong wala na talaga.

Pero kailangan ko kasi magpaalam.
Kailangan ko lumaban.
Dahil sa sandali na tanggapin kita muli,
Ako lang ang masasaktan.

Paalam na, mahal.
Paalam na kahit mahal pa kita.
Paalam na kahit mahal na mahal kita.
Paalam na dahil mahal kita.

Paalam na dahil mahal kita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Savageblossom2019

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon