Tula #45

105 2 0
                                    

Titulo: Isang taong nakalipas

Naalala mo pa ba?
Isang taon na ang nakakaraan.
Isang alaala na pilit tinatalikuran.
Isang kapighatian na pilit tinatakasan.

Naalala mo pa ba?
Ito ang araw na una mong sinabi.
Mahal kita, kasunod ng aking pangalan sa iyong mga labi.
Mahal kita, na hanggang ngayon, dahilan na ng aking paghikbi.

Naalala mo pa ba?
Ganito tayo noon kasaya.
Tumatakas sa kaniya-kaniyang problema.
Kaya pareho tayong nauwi sa piling ng isa't isa.

Isang taon na ang nakalipas.
Sa isang taon na bigla na lang napigtas.
Mga tali na nagdurugtong sa puwede pa at hindi na.
Pagbitiw na dahilan ng pagkawalay sa isa't isa.

Hindi na kakayaning makita ka.
Pero lagi pa ring hinahanap ka.
Ikaw pa rin gustong makita ng aking mga mata.
Sa iyo pa rin gustong tumahan ng aking mga luha.

Ang hirap pala umasa at maghintay.
Kung palagi na lang bumabalik ang mga alaalang nakahimlay.
Kailan titigil ang luha?
Kapag kaya natuto na ang puso na tanggaping wala na.

Kailan titigil ang luha?Kapag kaya natuto na ang puso na tanggaping wala na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Savageblossom
Wattpad2018
All Rights Reserved
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now