Tula #47

83 4 0
                                    

Titulo: Tama na!

ISIP--
Ikaw ba ang nasasaktan tuwing naaalala mo siya?
Ikaw ba ang nahihirapan tuwing lilingon ako sa nakaraan at ako na lang ang nandoon nag-iisa?
Ikaw ba ang hindi makakilos, naninigas, at natutulala tuwing sasapit ang mga araw na humihiling na sana kapiling ko pa siya?

ISIP--
Tama naman na.
Alam ko kasing mahal ko pa.
Mahal na mahal ko pa!
Nandito pa rin siya, nag-iisa.
Kahit na, ako na lang ang sa aming dalawa ang umaasa.

ISIP--
Kailan ba ikaw titigil sa pananakit?
Anong silbi ng mga araw na nagdaan, kung patuloy ang iyong pagbalik sa nakaraan.
Itong luha kong umaagos na naman dahil sa kahapong nagbabalik.
Naluluha sa isiping, mga alaala na lang ang maibabalik.

ISIP--
Kailan ka magiging tama?
Kailan mo maiintindihan ang salitang tama na?
Hindi ko na kaya na malaman na masaya na siya.
Pero patuloy mo akong dinadala sa mga alaala niya.

ISIP--
Ikaw sana ang pumipigil sa akin.
Umiiwas ka sana sa mga alaala namin.
Puwede naman di ba?
Baka pwede naman!

ISIP--
Tama na, parang awa mo na.
Hindi ikaw ang nasasaktan kapag may kasama siyang iba.
Magkayakap sila at masaya sa isa't isa.
Parang awa mo na, kalimutan na natin siya.

ISIP--
Tulungan mo akong ibaon na ang lahat.
Iyong tipong hindi na natin mahuhukay.
Tiyakin natin na hindi na kailanman mabubuhay.
Ang pagmamahal kong kinakailangan nang sa limot ay ihimlay.

Nagmamahal,
PUSO

-----------------------------SAVAGEBLOSSOMALL RIGHTS RESERVEDWATTPAD2018-----------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----------------------------
SAVAGEBLOSSOM
ALL RIGHTS RESERVED
WATTPAD2018
-----------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now