Tula #26

176 6 0
                                    

Titulo: Pagdating at Pag-alis

Ako ay gumawa ng obra.
Hinati ko ito sa dalawa.
Ang iyong pagdating.
At ang iyong pag-alis.

Bakit kung mayroong darating
Paniguradong may aalis?
Bakit kung mayroong magbubukas,
Mayroon din namang magsasara.

Dalawa naman ang aking kamay.
Maari akong humawak ng dalawang bagay.
Isa ay ang ibigin ako,
At ang isa ay manatiling kapiling ko.

Hawak ko pa rin mga pangako mo.
Ang mga katagang pinagkapitan ko.
Kahit bawat kapit ko ay ang pagdugo nito.
Sa lahat ng sakit ng kasinungalingan mo.

-------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad 2018All Rights Reserved------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad 2018
All Rights Reserved
------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now