Tula #29

166 8 0
                                    

Titulo: Hawak niya iba na

Minsan nang nahawakan ang iyong kamay.
Hindi ko man ito gamay,
Hindi ako makapaniwala,
Na hawak ko na ang kamay ni mahal.

Unti-unting dumulas ang kapit.
Tila nagbabadyang bagyo na malupit.
Kahit nanatili ang aking kapit,
Ikaw naman ang kusang kumakawala sa pagkakahawak ko nang mahigpit.

Hindi ko akalain,
Pagtingin ko sa kabilang banda,
Iba na pala kahawak-kamay ni mahal.
Naroon na siya kasama iba niyang mahal.

Sadyang nagulat ako,
Tila hindi makapaniwala sa nakikita ko.
Hawak lang kita kanina.
Ngayon may iba ka na.

Parang tinangay ng ipo-ipo.
Pina-ikot mo lang pala ako.
Sinabing mahal mo ako.
Ngunit hindi naman pala ito totoo.

Naniwala kasi ako.
Akala ko hindi mo ako niloloko.
Seryoso ka noong sinabi mong...
Mahal mo ako.
Seryoso ka lang palang...
Lokohin ako.

---------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved-------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
-------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon