Tula #34

135 6 0
                                    

Titulo: Uso maging tanga

Nasa uso ka nga ba?
Iyong niloko ka at iniwan ng taong nagsabi sa iyo ng mahal kita.
Iyong pinaasa ka at sineen na lamang ang mga chat mo sa kaniya?
Iyong pinaramdam sa iyong mahalaga ka tapos bukas wala na.

Aba!
Sinasabi ko sa iyong nasa uso ka nga!
Kung hindi ka naging tanga,
Kung hindi ka umiyak dahil sinaktan ka niya,
Kung hindi ka iniwan at pinagpalit sa iba,
Hindi ka in kung nasa matinong relasyon ka.

Sa mundong normal na ang masktan at maloko ng taong minahal.
Sa mundong hindi na bago ang ipagpalit at iwan na lang basta-basta.
Sa mundong ayos lang na magago at paasahin ng mga manloloko.
Sa mundong uso ang pagiging tanga at pagpapakatanga.

Ano ba ang trending ngayon?
Nagpakasal at sinabing forever na sila.
Naging mag-on at nagpost sa fb na road to forever na ang dalawa.
Punong-puno ng travel goals at kahindik-hindik na landian na nakaka-umay sa paningin ng ilan.

Hindi iyan ang trending--
Ang uso ngayon ay ang mga tanga.
Iyong papaniwalain ka lang sa road to forever na iyan, tapos malalaman mong hindi lang pala ikaw ang the one.
Ang uso ngayon, ay hindi ka lang nag-iisa at ikaw ang laging iniiwan.
The more, the merrier pa nga raw 'di ba?
Kaya ayan, sa puso niya, marami kang kasama.

Ganito ang mundo.
Sa sobrang simple, pinapakumplikado.
Sinabing isa lang mahalin, pero si gago hindi marunong bumilang ng isa.
Ay--
Baka naman nag-enjoy sa pagbibilang.
Kaya ginustong dumami ang mga binibilang.
Ang isa ay nauwi sa sampu pa nga.

Ngayong uso ang maging tanga,
Nasa uso ka nga ba?
Baka naman pinili mo na lang mag-isa.
Aba'y matalino ka nga.

Mag-isa, ngunit masaya.
May kasama ngunit tanga.
Saan ka lulugar,
Sa matalino ka--
O sa uso, pero ika'y tanga?

---------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved--------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now