Sa Dulo ng plumang pulang puso

314 8 0
                                    

Titulo: Sa Dulo ng Plumang Pulang Puso
Sa panulat ni savageblossom

Titintahan ko ba
Ang malinis na pahina?
Mamarkahan ko ba
Ang taong mambabasa?
Ng tulang ito na para sa puso ng masa.

Ano ang nais iparating ng munti kong tinig?
Ano ang kailangan isambit ng pusong pumipintig?
Ano ang nais ipahiwatig ng bawat titik na aking pinapantig?
Ano ang kailangan kong gawin upang ikaw ay makinig?

Mayroon akong gamit na sandata.
Isang plumang nalunod sa tinta.
'Di kinaya at ito ay napagod na.
Pinadanak likidong handog sa bawat salitang iiwan sa masa.

Sinasabi ko na nga ba.
Dugo ko ay pula.
Hindi ako isang banyaga.
'Pagkat ako ay tunay na pang-masa.
Titik ko ay 'di dayuhan tulad nila.
Dala ko ang puso ng isang manlilikha.
Handog sa lahat ng nais kumatha.

Kailan mo sisimulan.
Pag-ibig mong laging hinahadlangan?
Kailan ka magiging tunay na masaya?
Maskara mo ay tanggalin mo na.
Walang ibang tatanggap sa sarili mo kun'di ikaw, 'di ba?
Anong pag-ibig ba ang hihigit sa sarili mong akda?

Bibigyan kita ng pluma.
Tintahan mo ito ng pula.
Pagkat sa puso mo siya itong magmamarka.
Sa dulo nito'y walang pait na madarama.

Gawin mo ang siyang iyong nais.
Sunggaban mo pag-ibig na iyong tinatangis.

Maglimbag ka ng tunay mong kasiyahan.
'Pagkat sa dulo ng kathang ito lalaban.
Ang pag-ibig na ililimbag kailanman.
Mananalo ang taong may pag-ibig at hindi mapaparang ng kahit anupaman.

Ang ginto ay nasa dulo ng bahaghari.
Kaya itong tula na ito ay may kayamanang hatid.
Katulad ng bahaghari, wala pang nakababatid.
Ikaw lamang ang makakakita sa akda mong ikaw lang ang maghahari.

------
COMMERCIAL muna sa mga sawing tula. Pinasa ko 'to sa isang page sa FB. Hindi ko na alam ang nangyari since medyo na sad ako sa naging format ng tula. Pero ipa-pub ko na lang ito rito para naman may kaunting patalastas ang sawing mga tula.

-savageblossom

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now