Tula #20

288 12 7
                                    

Titulo: "Dulo"

Sinubukan kong imulat ang aking mata.
Nang makita kong ika'y wala pa rin sinta.
Pinikit ko itong muli at nangarap.
Na sa aking pagmulat ikaw ay akin nang kaharap.

Balewala ba talaga ang aking pagpapanggap?
Kung tuwing gabi naman ay laging ikaw ang pinapangarap.
Kahit dayain ko ang sarili,
Sa puso ko'y hindi maitatanggi.
Iisa pa rin ang nais nitong tinatangi.

Saan ang dulo nitong kahangalan?
Mukhang wala pa rin akong kamuwang-muwang.
Bakit patuloy akong nagiging mangmang?
Sa taong hindi iibig sa akin kailanman.

-------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now