Tula #28

185 6 1
                                    

Titulo: Wala nga kasing tayo

Palagi tayong magkausap.
Gusto mong lagi akong kaharap.
Tuwing ika'y aking kausap,
Pilik mata ko'y pakurap-kurap.

Masaya tayong magkasama.
Laging namamasyal sa dambana.
Binubuo mga pangarap.
Saksi ang mataas na alapaap.

Inaya kita kumain.
Sabi ko, kain tayo.
Wala nga pa lang tayo.
Kaya tara, kain ka at ako.

Wala namang matatawag na tayo.
Ikaw mismo ay hindi sigurado.
Kung pag-ibig na nga ba ay totoo.
At kung tiyak na bang hindi duda lamang ito.

Maghihintay lamang ako.
Na maging tunay lahat ng ito.
Upang sa tamang panahon.
May matawag na akong tayo.

------------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved----------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

------------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
----------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now