Tula #52

61 1 0
                                    

Titulo: Sa natitirang pahina

Kinalimutan na kita,
Pero bumabalik ka pa.
Ikaw mismo ang nagbubukas,
Ng pahina na pilit ginagawan ng wakas.

Ang pahina na hindi na dapat mabuklat pa.
Ang damdamin na hindi na nararapat muling madama.
Ang alaala na dapat ay nakabaon na.
Ang nakaraan na nararapat ay kalimutan na.

Nagtitinta kang muli ng mga letra.
Mga salita na durugtong sa ating istorya.
Katuloy ng pagdurog sa pusong matagal pinalaya.
Kumawala sa sariling sugat at pagdurusa.

Narito pa rin ako at tulala.
Hinintay ang wakas ng sawing mga tula.
Nagbabalik ang mga sakit,
Nang sinabi mo'y mahal mo ay siya.

Para sa natitirang pahina ay handa nang wakasan.
Kung sasariwain pa ang nakaraan,
Puso ay wawasakin lamang.
Tapos na ang panahon sa nababad na katangahan.

Sigurado na kaya ako?
Baka kasi mamaya ay tanga muli ako.
Iiyak muli sa aking kwarto.
Madaragdagan muli ang mga tula ko.

Sa huling pahina mo makikita.
Luhang binalot ng kapal ng pag-asa.
Umaasang, hindi na ikaw.
Umaasang wala nang ikaw.

Kung may natitira pang pagmamahal,
Mas gugustuhing isara na lang.
Kaysa madama kong muli ang kamatayan.
Kumitil sa puso kong kay tagal nakulong sa kalungkutan.

Bumabalik tayong muli.
Kung saan ang muli,
Ay dating hindi magkakilala.
Wala na.

Huli na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Huli na.
Wakas~

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now