Titulo: Pagdaya
Niyakap kita,
Sabi ko mahal kita.
Niyakap mo ako,
Sabi mo mahal mo rin ako.Nakita kita,
Kasama mo siya.
Sabi mo sa kaniya, kaibigan ako.
Ako ba niloloko mo?Ako nga siguro ang niloloko mo.
Kasi sa harap niya kaibigan ako.
Kapag ako nasa harap mo,
Mahal mo ako.Puwede bang huwag ka nang humarap sa kaniya?
Para ako na lang ang mahal mo.
Puwedeng sa akin ka na lang humarap.
Para alam kong ako lang ang mahal mo.Kakayanin ko magmaang-maangan.
Kahit sarili pagsinungalingan.
Kahit dayain ko ang nararamdaman.
Masabi kong akin ka lang.SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
ALL RIGHTS RESERVED
------------------------------------
YOU ARE READING
Tula Ng Sawi
PoetryHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.