Tula #11

542 33 0
                                    

Titulo: "Sa iyo ko kita"

Pagmasdan mo ako,
Tunay na humahanga sa iyo.
Hindi dahil sa taglay mong kisig.
Hindi sa laki at tigas ng iyong bisig.
Kundi sa ganda ng iyong mga titig
At kislap ng iyong mata na sa akin ay nakatitig.

Ilang letra kaya ang aking isasatitik.
Upang ilarawan ang mahabang pilik mata mong malantik.
Kita mo ba ang aking paghanga sa mata mong walastik.
Kita ko ay totoong ikaw kahit lagi kang may saltik.

Tandang-tanda ko pa noon kung paano ka lumuha
Nang magpalagay ka ng eye liner sa iyong mata.
Hindi ko kasi kaya ako'y hiyang-hiya.
Baka makita mong ako'y hangang-hanga.

Iba man ang naglagay sa iyo.
Naroon naman ako nakatapat lamang sa iyo.
Doon ko napagmasdan,
Mga matang mamahalin ko kailanman.

Kita ko sa iyo, mata mong nilulunod ako.
Kita ko sa iyo, titig mong napapatulala ako.
Kita ko sa iyo, tingin mong napapangiti ako.

Sa iyo ko kita, pag-ibig na sa tingin pa lang ng mata.
Alam kong ikaw na.

SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved--------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now