Tula #40

151 3 0
                                    

Titulo: Saan nagmula ang tula

Ako ay tumutula.
Para sa taong minahal.
Ako ay tumutula.
Para sa taong sinaktan.
Ako ay tumutula.
Dahil ako ay nagmahal.
Ako ay tumutula.
Dahil ako ay nasaktan.

Hanggang masakit pa.
Itutuloy ko, ang tula na sinimulan ko.
Tatapusin ko, ang paglimot sa iyo.
Gamit ang aking sandata na ilan lang ang nakababasa.

Bawat titik na aking tinitipa,
Katumbas ng isang patak ng luha galing sa mata.
Nagmula sa dibdib,
Galing sa makirot na damdamin.

Pinakawalan ang damdamin at naging isang grupo ng saknong.
'Di naglaon, ang grupo'y naging taludtod.
Sumigaw ang puso ko,
Naging isang tula ito.

Bawat titulo,
Mayroong numero.
Bawat numero,
Mayroong ibig sabihin sa dulo.

Ang bawat katagang naririto,
Mas masakit kaysa ang nararamdaman ng pusong ito.
Hindi ko man masambit lahat,
Patuloy kong ipapadama sa mga pahina na naririto.

Isa ako sa mga taong nagmahal.
Nagmahal tapos ay nasaktan.
Nasaktan at biglang nagsulat ng mga tula.
Mga tula na sa bawat kataga, nakatago ang pangalan mo sa mga pahina.

Nagmahal man at nasaktan.
Patuloy pa ring paniniwalaan.
Na mayroong halaga ang mga pinagdaraanan.
Sa rason na balang araw ay akin ding malalaman.

Sa ngayon ay ako muna ay tutula.
Kahit ang iba ay hindi mahaba.
Mga tula na hindi man tugma.
Nagmula naman sa puso ang aking mga tinta.

SAVAGEBLOSSOMWATTPAD2018ALL RIGHTS RESERVED----------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
ALL RIGHTS RESERVED
----------------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now