Tula #10

636 54 4
                                    

Titulo: "PAGLISAN"

Natapos tayo't nilisan natin ang mga alaala.
Hindi na maibabalik pa, kasayahang nadama sa piling ng isa't isa.
Ako ay nakalimot sa iyong pangako.
Akala ko kasi'y hindi ka seryoso.
Sinanay mo kasi akong lagi kang nagloloko.
Bakit kung kailan na ikaw na iyong nais ko,
Ikaw naman ang kusang lumayo.
Pinili mo siya nang paulit-ulit.
Kahit lagi kang nagpapapansin sa kanya at nangungulit.
Ngunit siya ay lagi kang binabalewala.
Sabi mo pa nga'y sinasaktan ka niya.

Sa akin ka naghanap ng karamay
Ako naman ay sadyang tanggap ka ng buong kamay.
Para sa akin ay kaibigan pa rin kita.
Hindi ako tumalikod kahit napalayo na sa isa't isa.
Dumating ang araw na puro gulo na sa buhay mo.
Pag-ayos nito ay 'di mo na matamo.
Naroon ako at kinalimutan ang atraso mo.
Dahil sabi ko, kailangan mo ako.
Tumatakas pa ako upang makasama ka.
Lahat ibinigay ko, upang mailigtas ka.
Pero isang balik lang niya,
Nandoon ka na agad sa kaniya.
Iniwan mo pa rin ako.
Kahit ibinigay ko na ang mundo ko.
Ngayong wala nang natira,
Hindi alam saan magsisimula.
'Pagkat hindi nagtira,
Ngayo'y sirang-sira na.
Pag-ibig na ibinigay,
Sinayang, tinapon, at nawalan ng saysay.
Ganyan kapag nagmamahal.
Ikaw ang mawawalan.
Lalo na kapag hindi ikaw ang totoong minamahal.

SAVAGEBLOSSOMWattpad2018--------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
--------------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now