Tula #17

358 21 6
                                    

Titulo: "Sa mata ng Umaasa"

Bakit nga ba sa iyo ako'y tatanga-tanga?
Itong puso ko sayo'y aanga-anga.
Humiling akong sana'y ako na lang siya.
Nang sa gano'n ako r'yan sa tabi mo'y kay saya-saya.

Pinagmamasdan ka sa isang tabi.
Nangangarap na ako ang dahilan ng 'yong pagngiti.
Ngunit kahit anong kubli
Kailanma'y hindi na mangyayari.

Sana kasama kita habang ako'y masaya.
Tumatawa, humahalakhak, at maligaya.
Ang katotohana'y kulang pa.
'Pagkat nasa iyo pa ang natitirang pyesa.

Mapalad na ako kung ika'y mapatingin.
Ang aking pagngiti ay handa pa rin.
Umaasa na makita mong puso ko'y sa iyo pa rin.
'Pagkat ako'y sa iyo ay mayroon pa ring pagtingin.

SAVAGEBLOSSOM•WATTPAD2018•This picture is not mine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAVAGEBLOSSOM
•WATTPAD2018•
This picture is not mine.

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now