Six

20.2K 350 14
                                    

Jema's

I woke up earlier than usual. I have so many errands to do today, sana lang ay kayanin pa ng katawan ko. I have to meet my family, friends, and I have to talk to Bea. Noong nakaraang araw pa akong may pinaplanong gawin and I knew to myself na kakailanganin ko ang tulong niya.

I fixed my bed and stood up and went to the bathroom. Hindi ko mapigilan na hindi siya isipin. Oo, siya naman, hindi na naman ang sarili ko. I feel bad for leaving her behind. Sa loob ng ilang taon na hindi kami nagsama, ang buong akala ko kaya ko na nang wala siya. I thought I already made myself the best version of who I am. For the past years, I made myself proud, sa lahat ng ginawa ko ay para lang iyon sa sarili ko.

Thinking of the decisions I made, made me realized how selfish I am for forgetting and leaving the person who was there for me from the very start. The person who believed in me when no one else does. The person who makes me happy when I can't make myself sane. The person who'll do everything for me even if that means she'll lose those beautiful smile of hers.

Hindi ko alam kung handa na ba ako, ilang araw pa lang noong lumipas na hindi pa ako handang makita siya, pero ngayon mukhang kinakain ko na ang mga sinabi ko. All I could think is her being in my arms again. Tama na siguro na sarili ko naman ang intindihin ko. I've grown so much as a person, maybe it's time to let myself be free, to love freely.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang pinaka paborito kong damit. It's a white shirt with a minimalist design at the front and at the back. It was a gift from Deanna noong anniversary namin. Funny how I could keep this shirt but not our relationship. Tsk.

Hindi bale, babawi naman ako.

My phone vibrated while I was drying my hair. There were two messages from Bea. Nakakatuwang isipin na hindi naman kami gaanong close noon, pero para kay Deanna, we're starting to build a friendship.

From: Bea de Leon

Hey! Don't forget later, 5 pm. See you!

From: Bea de Leon

Also, I'll bring my girl with me. Hehe!

Napangiti ako dahil sa huling linyang tinext niya. Good for them they're both happy. Hindi ko alam kung sila ba, naging sila, sila pa rin ba, o nag a-assume lang si Bea. Kay Deanna ko lang din kasi nalalaman noon ang mga ganap nilang dalawa ni Jhoana.

Habang naka red light ay nag message ako kay Mama na baka malate ako ng dating. Grabe kasi ang traffic ngayong araw. Kung pupwede lang ay paliliparin ko ang sasakyan ko para makarating agad ako sa destinasyon ko.

Saktong pag send ko ng message ay biglang nag text si Fhen. Fhen Emnas, my ex. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahal niya pa rin ako, pero alam kong hindi rin lingid sa kaalaman niyang hindi ko na siya mahal. We're both friends and we had the closure we both needed. Meaning, hanggang doon na lang kami at hindi na namin maibabalik ang kung anong mayroon kami noon. I'm glad she respected my decision, alam niya rin namang si Deanna ang mahal ko at hindi na siya.

Hindi ko muna pinansin ang text niya at nag drive ulit.


Binuksan ko ang radyo habang nag d-drive. Saktong Terrified ang kanta na pinapatugtog. This song make me remember Deanna and our memories. Siguro kung may love song man kami noon, ito 'yun.


My parents likes Deanna for me. Sabi pa nila sa'kin noon, gusto raw nila si Deanna para sa'kin dahil alam nilang hindi niya ako sasaktan. It turns out they were right, she didn't hurt me in any way, but I did. My parents were disappointed when they found out the broke up. Pero pinaliwanag ko naman sakanila na gusto ko munang unahin ang kapakanan ng sarili ko.


After hours of driving ay nakarating na ako ng Tagaytay. Agad kong pinuntahan iyong restaurant na pagkakainan namin. I'm pretty sure they're waiting for me.


"Tawang-tawa, ah?" Tinusok ko ang tigiliran ni Mafe nang niya hindi ako mapansin sa katatawa at kadadaldak niya kila Mama at Papa. Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumipat sa'kin, hindi para yakapin ako kung hindi batukan ako. Sinuway siya ni Mama kaya inasar ko siya.


"Napaka tagal mo. Lumamig na 'yung pagkain!" Kung makapagsalita 'tong batang 'to akala mo ay siya ang pinaka matanda sa'ming magkakapatid. Inirapan ko siya bago yakapin ang mga magulang ko bago kami kumain.


My friend from elementary texted me na hindi raw tuloy ang lakad namin. Natuwa naman ako dahil mas matagal ko pang makakasama ang pamilya ko.


"Jema, kumusta kayo ni Deanna? Nagkita't nagkausap na ba kayo?" Natigilan ako sa tanong ni Mama at napatingin kay Mafe. Gusto nila ni Papa na magkabalikan kami ni Deanna. Gusto ko rin naman, pero pakiramdam ko ay sinisimulan niya nang kalimutan ako.


"Okay naman kami, Ma. Nagkita na rin kami, nag kumustahan, pero hanggang doon na lang naman na. Kaso mukhang ano, eh.."


"Mukhang ano, anak?" Singit naman ni Papa sa usapan kay mas lalo akong walang naisagot na tama. Umiling ako bago sila ngitian at hindi sagutin ang tanong nila



From: Bea de Leon

Hi, Jema! This is Jho, I know nasabi na sa'yo ni Bea na kasama niya ako. I would like to share my ideas for you later for Deanna. See you!


Nag paalam ako kila Mama na mayroon pa akong puntahan. 5 pm kasi kami magkikita nila Bea. Nagpahatid ako kay Mafe sa kotse ko para hindi na ako abutin pa ng traffic.


"Ate, bawiin mo si Ate Deanna, ha? Mas mahal ko pa iyon kaysa sa'yo! Kung pwede nga lang, aagawin ko siya sa'yo." Kumunot ang noo ko at inambahan siya ng kutos.


"Tumigil ka riyan, Mafe. Akin lang 'yun. Walang hating kapatid dito," Tumawa kami pareho at umiling bago ko siya halikan sa pisngi. "Mag-ingat kayo nila Mama, 'wag kang pasaway, Mafe."


Habang nag d-drive ako ay biglang nag traffic. Tinext ko sila Bea na baka malate ako, sa may Starbucks near Katipunan kasi kami magkikita. 5 pm ang usapan pero 5:30 na at wala pa rin ako. Paniguradong naroon na sila, nakakahiya naman at pinaghintay ko pa. Ako na nga itong hihinginng tulong nila, ako pa iyong late.


6 pm na nang makarating ako sa meeting place namin. Agad ko silang nakita dahil malapit lang naman sila sa may pintuan. Rinig na rinig ko pa ang tawa ni Jho.


"Hi, JhoBea!" Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nilang dalawa. Pinanglakihan ako ng mata ni Jho kaya natawa ako.

Naging ka-close ko si Jho nang dahil kay Deanna. Pero hindi rin naman kami gaanong nakapag bond noon dahil busy kami pareho.


"You're 30 minutes late! Tsk, dahil dyan ay i-libre mo kami. Go!" Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Inirapan ko na lang sila pareho at um-order na para makapag-usap na agad kami.


"Eto na nga boss. Nanginginig pa," Nilapag ko ang order naming tatlo sa lamesa at nagsimula namang magsalit si Jho.


"So, here's my idea." Iminuwestra ni Jho ang kamay niya habang taimtim akong sumisipsip sa Frappe ko. "Nag-aaya si Deanna pumuntang Palawan next week, why don't you come with us, 'di ba? Then, doon kayo mag heart to heart talk. Doom niyo i-clarify iyong mga bagay na dapat i-clarify." Napaisip ako sa sinabi niya. May point naman si Jho, kaso paano kung pumunta room si Deanna para mag unwind at kalimutan ako?


"Wait," Pareho kaminh napalingon ni Jho kay Bea nang mag salita siya. "Walang nabanggit sa'kin si Deanns na pupuntang Palawan, ah?"

"Close kami 'wag ka nga Beatriz," Nginisian lang siya ni Bea habang naiiling. "So, do you like it? Surprise her na lang, well at least in a good way, hindi iyong susulpot ka na lang bigla. Mamaya hindi pa mag process kay Deanna, 'di ba?"

Tumango na lang ako bilang sagot. Okay na siguro iyon. Mag-iisip na lanh siguro ako kung paano ko siya isusurprise.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now