Chapter 29

11.2K 225 17
                                    

Jema's

Nakarating na kami sa Condo. Gusto ko ng matulog pero at the same time gusto ko siyang makasama. Pahinga o Harot? Joke.

"Bb, matutulog lang ako ah? Grabe, para akong binagsakan ng langit at lupa. Pagod na pagod ako." Pagrereklamo ko sakanya at ibinagsak ang sarili sa sofa.

Tinabihan niya naman ako.

"Yang mukhang yan? Binagsakan ng langit at lupa? Akala ko binagsakan ng pagmamahal ko eh." Sabi niya sabay kindat. Wag mo kong ganyanin baka mawala antok ko.

"Ang bolera! Tabi ka nalang sakin, tulog tayo." Sabi ko sabay pout. Kaya ayun, naka-nakaw nanaman ng halik sakin.

Mag pout nalang kaya ako lagi? Hehe joke lang.

Tinabihan niya naman ako, buti nalang malapad yung sofa dito sa Condo ko at kasya kaming dalawa, kung nagkataon pareho kaming hulog neto.

"Sige na, sleepwell my love. I love you." Sabi niya at hinalikan ako sa forehead.

"I love you too." And we fell asleep.

----- 🕔 5:00 pm 🕔 -----

Nagising ako ng mga hapon na, ang sarap ng tulog ko. Feels like heaven. Lalo na't pagkatabi mo yung taong mahal mo.

Ang lambot naman netong katabi-

"Deanna?" Taena, unan nalang pala yakap yakap ko. Nag-evolve ba girlfriend ko? Nasaan nanaman ba napunta yun?

"Deanna?" Sigaw ko ulit pero wala namang sumasagot.

Bumangon na ako, may narinig naman akong mga kalansing sa kusina kaya I decided to check it. Naabutan ko namang nag-luluto si Deanna. Wow. Sipag.

"Hey. You didn't wake me up, sana natulungan kita." Sabi ko at niyakap siya sa mula sa likuran.

"It's fine babe. Uhm, help me nalang to put some plates on the table so we can eat. I have something to discuss with you." Sagot niya sabay kindat at smack sa lips ko.

Napailing nalang ako dahil ka-hokage-han netong girlfriend ko.

Naglabas nalang ko ng mga plato at utensils, this is the least thing I can do to help her. Siya na nagluto, edi ako nalang ang maghahain hehe.

Sakto naman at tapos na ang Deanna ko magluto, pang-dinner narin namin to? Ang dami eh. May Corn Soup, Pork Steak, ah! Basta madami! Pinapataba ba ako neto?!

"There you go! That's a lot of food for us to eat. Sana masarapan ka, kahit wag ka na sakin masarapan, sa luto ko lang okay na." Sabi niya pagkatapos ilapag ang huling dish at kinindatan ako. Pang-ilang kindat niya na yan? Tsk.

May kahanginan din talaga to paminsan minsan eh.

"So, anong i-didiscuss mo sakin, Ms. Wong?" Tanong ko sakanya sabay subo ng kanin. Ay sheteng malagket lagket, heaven! Food is life fam!

"I just thought na, dapat sa iisang bahay na tayo tumira. I mean, naisip kong dun nalang tayo sa Condo ko. Mas malapit pa pag gusto mong dumaan kela Tita." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Is she serious about this or she's just joking around with me?

"Se-seryoso ka?! Deanna hahampasin kita!" Natawa naman siya. So, It means hindi nga siya seryoso? Hmmmmp.

"Im serious about it, babe. In fact, dapat kanina ko pa sinabi sayo kaso nagpahinga ka eh." Sabi niya at uminom ng tubig.

I don't know how to react mga bes. Me and Deanna in one roof? I mean okay, nangyayari naman to samin eh. Pero yun nga lang, pagiisipan namin kung sa condo ko o sakanya.

"So, what do you think? Kung ayaw mo, it's fine. Basta, as soon as possible magpapagawa tayo ng sarili nating bahay." Halos mabuga ko na yung kinakain ko dahil sa sinabi niya sakin.

"Inamo, Wong! Tigilan mo nga ko, baka ikaw gawin kong simento." Sabi ko sabay duro sakanya ng tinidor pero ang babaita, umiilag.

"Ano nga bb? My condo or our own house?" Tanong niya habang taas baba ng kilay niya.

Ano pa nga bang magagawa ko? Ayaw ko namang tanggihan tong pinakamamahal ko.

"Condo na muna. Tska na yung bahay bahay na yan" Sakto namang tapos na akong kumain kaya tumayo na ako agad para maghugas ng pinggan.

Etong kasama ko kakain pa yata, hehe okay lang naman para goals parehas kaming mataba. Charot.

Pagkatapos niyang kumain sinabihan niya ko na siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan niya. Ayusin ko nalang daw yung mga gamit para bukas ng umaga makalipat na daw kami. Nagulat nga ko eh, ambilis naman ata kasi.

Pero di na ako tumutol kasi gusto ko rin namang makasama siya hehehehe. Ano kaya feeling nun no? Lalo na't pag kasal at may anak na kami? Ilan kaya magiging anak namin? Teka, kelan muna kami ikakasal? Kelan siya mag-ppropose ganun? Ay ambot! Ang lawak ng utak ko, kung ano ano na ang mga naiisip ko.

"Tapos ka na?" Tanong saakin ni Deanna pagkapasok niya ng kwarto.

Tumango nalang ako sakanya at inayos yung bag sa tabi ng lamesa.

Lord, jusko kung ano man po ang mangyayari sa mga susunod na araw e sana maganda at maayos na. Wala ng Fhen na eepal, lalo na't magkasama na talaga kaming titira sa iisang condo.

"Deanns, may tanong ako." Sabi ko sabay harap sakanya.

"Ano nanaman yun, b?" Dami naming tawagan no? Okay lang yan mahal naman namin isa't isa. Hehe.

"Bakit sa dinami-rami ng taong pipiliin mo at mamahalin mo, ako pa?"

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now