Twenty

14K 239 4
                                    

R-18

Jema's

"Ollie! 'Wag mo kainin 'yan!" Mula rito sa banyo ay naririnig ko si Deanna sa sumisigaw. Kanina pa sila nag-aaway ni Ollie at kanina pa rin tahol nang tahol si Milo.


"Naligo lang ako ang gulo gulo na ng sala!" Lumabas ako ng banyo habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang twalya.


"Love, si Ollie oh! Kanina pa niya kinakain 'yung medyas ko! Give it to me na," Hinila niya mula sa bibig ni Ollie 'yung medyas niya kaya napailing naman ako. Kinarga ko si Ollie at Milo at pinasok sila sa kulungan nila kasama ang mga laruan nilang dalawa pati na rin ang tubigan nila.


"You have your session today right?" Niyakap ako ni Deanna mula sa likuran habang nagbibihis ako.


"Yes. Last na raw 'yun because I'm getting better. Pero if ever na atakihin ako, pwede pa rin daw ako mag schedule ng appointment."


"I'm happy for you and what you've become. You went to a lot of sufferings but look at where you are now. You keep on getting better and stronger. Proud is an understatement," Napangiti ako at hinalikan niya ako sa balikat ko.


Thankful ako at nag stay si Deanna. Kahit na nagkabalikan kami ay alam kong kailangan niyang mag adjust ng ilang mga bagay. Inaamin ko naman mayroong mga oras na posibleng hindi niya ako maintindihan pero pinipilit niya 'kong intindihin, and for that, I am really grateful. Lahat ng ginagawa ko ay para sakaniya, para sa sarili ko, at para sa pamilya ko. Natutuwa ako na kasama ko siya sa mga ganitong panahon. Hindi naging madali 'yung pinag daanan namin nung mga nakaraang taong naghiwalay kami, pero masaya ako na sa kabila ng lahat, umabot kami sa ganito. Naabot pa rin namin 'yung ganito. At sana hanggang dulo na.


Umabot lang ng isang oras ang session. Pagtapos non ay sinundo na ako ni Deanna sa clinic. Hindi siya nakasama sa'kin dahil may kailangan daw siyang asikasuhin pero hinatid niya rin naman ako kanina noong papunta.


"Saan ka nagpunta?"


"Somewhere. Are you hungry, baby?" Hinimas-himas ko ang tyan ko. Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang tyan ko. "I think that's a yes," Tumawa lang kami ni Deanna bago siya nag drive.


Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero inabot na kami ng alas cinco sa daan dahil sa sobrang traffic. Nakatulog din ako sa sasakyan kaya hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Nakaramdam lang ako ng mga tapik sa hita ko.


"Wake up, love. We're here na," Kinusot-kusot ko ang mata ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at pinagbuksan ako ni Deanna ng pintuan. "Ay gago!" Halos mangisay ako sa lamig! Naka dress lang ako at sleeveless pa!


Halos matumba si Deanna sa kakatawa. Nasa Tagaytay pala kami! "Huy, siraulo ka! Bakit nandito tayo? Sina Ollie at Milo naiwan doon sa condo!"


"I texted your sister and asked a favor to look after them. So don't worry. Nasa condo siya with our dogs," Mula sa backseat ay kinuha niya ang isang makapal na jacket at pinasuot iyon sa akin.


She held my hand we both made our way inside the hotel. Hindi ko alam kung anong trip ng girlfriend ko at nandito kami ngayon sa Tagaytay. Pero kung ano man ang dahilan niya, sana ay may pagkain dahil kanina pa ako gutom na gutom.


"Reservation for Deanna Wong," Biglang sabi ni Deanna doon sa lalaki. Ginuide niya kami paputa roon sa may elevator. Pinindot niya ang 15th floor button, ayon ata ang pinaka last floor nila at ayon ang pinakatuktok.


Nang marating namin iyong tuktok ay pinagbuksan kami ng lalaki ng pintuan. "Enjoy the rest of the night, Ms. Wong and Ms. Galanza."



Isang dinner table ang bumungad sa'kin. Mayroong mga bulaklak at ilaw na nakapaligid doon. Tamang tama lang dahil lumubog na ang araw. Dumidilim at lumalamig na rin ang paligi kaya naman ay mayroon ding mini bonfire, medyo malayo nga lang doon sa lamesa. Open area ang lugar kaya ramdam na ramdam ko ang lamig!


Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now