Seventeen

16.3K 309 23
                                    

Deanna's

"Sino 'yon, Ma?"


Lahat kami ay napalingon doon sa bumusina mula sa labas. Kanina pa namin siya iniintay rito sa loob, pero hindi pa rin siya lumalabas. Ano bang gusto noon? Pagbuksan pa namin siya ng pintuan?


"Love, anong meron ba? Is there any occasion? It looks like you guys have a visitor," Bumulong ako kay Jema at hinawakan siya sa baywang habang iniintay pa rin 'yong nasa labas.


"Hindi ko alam, baby. Hintayin na lang siguro natin," She gave me a sweet smile so I nodded.


Narinig ko ang pagbukas ng gate mula sa labas. Pinaupo muna ako ni Jema sa sofa habang si Mafe ay bumalik ng kusina para kumuha muna ng maiinom namin.


"Tita? Nandito na po ako!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Napalingon kami sa pintuan nang bumukas iyon.

"Fhen?"

"Naknampucha naman, oh.." Bulong ko nang makita si Fhen na may dala-dalang tatlong box ng Pizza papasok.

Sabay kaming tumayo ni Jema pagpasok niya. She was wearing an oversized shirt and jogger pants habang nakatali ang buhok niya. Ngiting-ngiti pa siya nang makita si Jema pero hindi iyon nagtagal nang makita niya ako.

"Fhen.. Nag-abala ka pa talagang bata ka," Lumapit siya kay Tita at iniabot ang mga Pizza. Lumabas si Mafe mula sa kusina na may dala-dalang dalawang baso ng juice.


"Eh? Ginagawa mo rito?" Mafe asked while raising her eyebrows. Palihim akong napatawa sa reaksyon niya.


"Hindi mo ba alam ako dahilan kaya nag-aya si Tita ng dinner?" Mayabang na sagot niya kay Mafe. Huh?


"Ah.. eh, mga anak-"

"Hi, Je!" Lalapit sana siya kay Jema para bumeso but I pulled her away from her while my eyes were roaming around the home, pretending that she's not even there.

I looked at her and saw her glaring at me. I smirked and held Jema's waist closer. "Huy, baliw ka!" Bumulong si Jema pagtapos mag walkout ni Fhen patungo sa labas.

"What? I'm just protecting what's mine," Tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko agad ang pamumula ng pisngi niya.

"Ewan ko sa 'yo," Pinisil ko ang ilong niya at hinalikan siya sa noo. Napalingon kami nang sabay na tumikhim si Tita at Mafe.

"Yuckie!"

"Kayo talaga.. tara na kumain na tayo, babalik din ang batang iyon dito. Pauwi na rin ang Papa mo, Jema. Tara na," Umiiling-iling na sabi ni Tita at sinundan na namin siya patungo sa dining.

Maraming lutong pagkain ang nasa lamesa. Pinaghila ko ng upuan si Jema at sabay kaming naupo. We started with a prayer at hindi pa rin bumabalik si Fhen.


"Kainan na!" Naunang kumuha ng pagkain si Mafe kaya naman ay natawa ako. Kumuha ako ng kanina at nilagyan ang plato ni Jema.


"Ang dami naman masyado,"


"That's fine. Kailangan mong kumain nang marami. Namayat ka, oh." I was trying to be careful with my words. Totoong namayat si Jema. Noong huli ko siyang nakita ay hindi siya ganito kapayat.


"Okay," We started eating at puro tanong lang si Mafe. Daig niya pa ang Mama nila na nakangiti lang sa 'kin habang umiiling.


"Ate, kung napipilitan ka lang makipag-balikan dyan sa kapatid ko, sabihin mo lang ha?" Inosente niyang sabi habang puno pa ng pagkain ang bibig niya.


Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now