Twenty-Two

12.2K 229 7
                                    

Deanna's

I can't believe Jema did that! Is she tempting me? If she does, well congratulations Babe, Im now tempted.

"Hoy! Bitawan mo na yung sandok, luto na yung pagkain oh!Male-late na tayo, baka ako batuhin ni Mafe." Onga pala, yung aso ni Mafe. Bat kasi ngayon pa birthday nun eh, kung kelan parehas kaming free ngayon ni Jema dapat masosolo ko siya.

"Bb, pwede ba mga 6pm uwi na agad tayo? Please?"

"Huh? Di pa nga tayo nakakaalis eh, bilisan nalang natin 2:20 na oh. Kung gusto mong umuwi tayo ng alas sais maligo ka na pagkatapos neto. Bilis bilisan ang kilos Maria Deanna!" Sabi ni Jema na akala mo naman nanay ko. Tinanguan ko nalang siya bilang sagot at kumain na agad.

Pagkatapos kong kumain naligo na agad ako, si Jema naman naliligo pa. Syempre, ako tapos ng maligo no! Feeling ko may mga libag pa sa katawan ko kasi wala pang 5 minutes tapos na ako maligo, yuck.

Pero hindi ko pa pala natatanong si Jema kung saan siya pumunta kahapon diba kasi we parted ways yesterday before mangyari yung kagaguhang ginawa ko.

"Babe, are you done na ba?" Tapos na palang maligo si Jema, buti nalang tapos na akong magbihis. Pero siya hindi pa.

"Yup"

"Sige, mauna ka na sa basement, car mo nalang po muna gamitin ah? Magbibihis lang ako, mabilis lang to." Tumango naman ako sakanya and she gave a peck on my lips. Hay sarap.

Sumakay na ako ng elevator at clinick yung button na papuntang basement. Nang makalabas naman ako ng elevator, biglang nag-vibrate ang phone ko, may text ata ako.

1 message from Unknown

From: Unknown

Di pa tayo nagsisimula, tandaan mo yan. Just wait and see.

Who the fuck is this? Hindi kaya si Fhen to? Agad ko naman tong rereplyan.

To: Unknown

Kung ikaw to Fhen, stop this nonsense bullshit. Hindi ka mananalo sa binabalak mo, yan ang tandaan mo.

Seryoso ako sa sinabi ko sakanya. After that hindi na ulit siya nagreply sakto namang bumaba narin ang bb ko kaya tinago ko na yung phone ko sa bulsa.

"Let's go? 3 na oh, we're super late baka ako ang pagalitan ni Mafe at tahulan ni Georgey boy." Tumawa naman siya sa sinabi ko at sumakay na kami pareho sa kotse.

"Babe, saan ka nga pala nanggaling kahapon?" Saglit akong tumingin sakanya pagkatapos kong magtanong, at eyes on the road ulit.

"Uh, sa kaklase ko nung elementary may inasikaso lang kami." Hinawakan niya naman ang kamay ko at nilagay sa lap niya, makakatulog to pag ganito siya. Tsk, sleepyhead.

"Ano naman yun? Very important ba?" I waited for an answer pero wala, tinignan ko siya at ayun tulog nga. Tanghali na nga nagising nakatulog parin. Ibang klase ka po Jema Galanza. Grabi grabi.

Sakto namang nag green na yung stoplight, hindi ko muna inalis yung kamay ko sa may lap niya baka kasi magising, ayokong bigla biglaan gising niya baka ingudngod ako sa manibela.

Hindi ko pa pala nasasabi yung surprise ko para kay Jema. On our monthsary kasi, balak kong mag out of town kami. Puntang Batanes lang. Gustong gusto niya kasing puntahan yun, matagal na. Pero hindi niya mapuntahan kasi busy lagi ang Jema ko.

After 45 minutes of driving, nakarating na kami sa bahay nila Jema, and duck almost 4pm na.

"Babe, wake up na. Nandito na tayo." Sabi ko sakanya habang hinihimas ang pisnge niya. Such an angel.

Dahan dahan niya namang minulat ang mga mata niya at kinusot pa. Parang bata lang.

"Hmm? Sorry, nakatulog ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. Sanay na ako bb, sanay na sanay. "Tara na baba na tayo." Pinatay ko na ang makina ng sasakyan at lumabas ng kotse para pagbugksan ng pinto si Jema.

Kumatok kami sa pinto at saktong si Mafe ang nagbukas

"Buhay pa pala kayo?" Tanong niya habang naka-taas ang kilay. Kakaiba ang mga Galanza, talaga naman oh!

"Sorry Mafe, etong ate mo kasi tanghali na nagising" Tumingin naman kami ni Mafe kay Jema na naka-peace sign, hay nako. Inirapan lang kami ni Mafe at pinapasok na kami.

Santa Maria Marimar! Puro aso nandito!

"Baka naman nagbabalak kang ampunin lahat ng yan?" Tanong ni Jema.

"Gaga! Di ako octopus" Natawa nalang ako sa sinabi ni Mafe sakanya, kala mo di ate si Jema eh.

Kinausap ko si Tita. Nag-sorry ako about dun sa nangyari saamin ni Fhen. She understand it naman daw, and alam niyang kami na ni Jema ulit. She invited Fhen lang daw para sabihan na itigil ang panliligaw kay Jema, alam niya na daw yun from the start palang. It's just that, she don't want to tell it to
Jema. I don't know the main reason why but all I know, nasaakin parin ang blessings ng magulang ni Jema. Deanna Wong, everyone!

Pumunta naman ako sa mini garden nila sabi kasi ni Ate Jovi nandun sila Jema eh.

"Ay ate, kanina pala tinawagan ako ni papshikels Fhenlalu" Habang papunta ako sakanila narinig ko nanaman yung pangalan ng asungot.

I hide behind their door at nakinig sa usapan nila.

"Ano sabi?"

"Kinakamusta ka, alam mo te? Bilib din ako jan sa ex mo ha! Akalain mo yun, pinagbantaan na ni Ate Deanna lahat lahat-" Pinutol naman siya ni Jema.

"Hinaan mo nga boses mo, Mafe! Ingay eh! Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob yang si Emnas. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Deanna, oo nagawa ko siyag iwan noon. Pero pinangako ko sa sarili ko, na hindi ko na papakawalan yung taong binuo ako. Mafe, alam mo yun diba? Alam na alam mo yun. Walang wala si Fhen kumpara kay Deanna. Deanna is everything, absolutely my everything and I can't afford to loose her again, never."

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now