Special Chapter

11.6K 217 26
                                    

Jema's

December 24, 20**
11:30 pm

Malapit na mag alas dose pero wala parin si Deanna. San na kaya nag punta ang asawa kong 'yon?

"Mommy, wala parin ba si Dada Deanna?" Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Iza kasama si Dean, kapatid niya.

"Wala pa anak. Baka naman na-traffic lang ang dada mo kaya hindi parin siya nakakauwi." Pilit ang ngiting tugon ko sa dalawang anak ko kaya naman nagsitanguan lang sila.

15 years old na si Iza, samantalang si Dean naman ay 8 palang. Dahil nga homeschooler ang dalawa ay mas naaalagaan ni Iza si Dean. Balak namin ni Deanna na ipasok sa totoong eskwelahan si Dean at Iza kapag Senior High na si Iza. Kung nagtataka kayo kung bakit, dahil lamang gusto namin silang protektahan.

Nang minsan naming balak ipa-enroll si Iza nung 5 years old siya sa isang kilalang eskwelahan na malapit dito ay sobra sobrang pang-huhusga ang natanggap namin mula sa Catholic School na iyon.

- flashback -

"Love, are you sure na dito natin ipapa-enroll si Iza?" Kabadong tanong ko kay Deanna. Catholic School 'to, ibang magulang kami ni Deanna. Hindi kami normal na asawa't magulang. Hindi kami katulad ng iba.

"Oo naman. Don't be too nervous about it, Jema. Just relax." Nakangiting sabi ni Deanna sa'kin at pilit na ngiti lang ang binalik ko sakaniya.

Hawak ko sa kanang kamay ko si Iza habang ang kaliwang kamay ko naman ay hawak-hawak ang kamay ni Deanna. Sabay kaming pumasok sa loob ng Principal's Office habang karga na ni Deanna ang anak namin.

"Good morning, Ma'am Deanna" Bati ng isang babaeng katamtaman lang ang tangkad kay Deanna.

Magsasalita na sana ako nang may isang babae ang sumulpot sa gilid.

"Ma'am Deanna, pinapatawag na po kayo ni Sister Dela Cruz." Nakangiting sambit nito kay Deanna. Tumingin siya sa'kin at sumenyas na pumasok na kami sa isa pang opisina sa loob ng opisina na 'to.

Pakaraming opisina.

Pumasok kami kasama si Iza sa loob ng sinabing opisina ni Sister Dela Cruz. Tumambad sa'min ang maamo niyang mukha na may malawak na ngiti sa mga mukha niya.

"Isang mapagpalang umaga, mga Iha, at sa chikiting na ito." Baling niya ng tingin kay Iza na inosenteng nakatitig lang sakaniya.

"Good morning, Sister Dela Cruz." Bati naming dalawa ni Deanna sakaniya.

"Maaari niyo akong tawaging Sister Mirna. Halina't maupo kayo riyan." Turo niya sa magkabilaang upuan sa tapat ng table niya.

Tumikhim muna siya bago niya ipinagpatuloy yung pagsasalita niya. "Batid kong nais niyong ipasok sa katokilong paaralan ang batang ito. Ano nga ba ang pangalan nitong pagka-ganda gandang batang ire?"

"Iza, say your name to Sister Mirna." Bulong sakaniya ni Deanna nang nakangiti kaya naman tumango nalang ang bata.

"M-My name is Izabella Margarett G. Wong po." She innocently said with a genuine smile on her face na ikinatuwa naman ni Sister Mirna. Tumango lang si sister bilang sagot sa bata.

"Sino ba sainyong dalawa ang ina ng bata?" Tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Deanna.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Lakas loob akong nag-taas ng kamay at nakita ko naman ang pag ngiti at pag tango ni Sister.

"At ikaw.. Ah, Deanna? Ikaw siguro ang sister-in-law nitong ni Jessica. Ah, Jessica nasaan ba ang iyong asawa nang sa gayon ay-"

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now