Chapter 31

11.8K 211 22
                                    

After 6 months...

Deanna's

Six months have passed. And our relationship became stronger even more. Though, nanjaan ang pagsusungit at pagmamaldita saakin ng mahal ko everytime na may dalaw siya. Pero hindi ko naman siya masisisi, at wala akong dapat pagsisihan dahil mahal na mahal ko siya.

And sa paglipas ng mga buwan, kung sino sino na ang pinagseselosan niya. Pati si Ponggay? Jusko. But I don't mind, I know she's being territorial and everything, but I still love her kahit ganun siya. Tinamaan eh.

And about kay Fhen? We're okay now. Actually may bago na nga siyang girlfriend eh. Galing no?

flashback

Sinabi saamin ni Ateng front desk na hinahanap daw kami ni Ate Amy at Fhen. Nagsama pa siya ah? Pero ano nanaman ang sadya niya saamin ni Jema? When will she stop ba.

"Uhm, where are they?" Tanong ko habang kinuha ang kamay ng Jema ko at pinag intertwined yun.

"Nandoon po sa may couch sa lobby ma'am. Kanina pa nga po nila kayo hinihintay eh." Tumango nalang ako.

Pinadala ko nalang yung mga gamit namin sa unit para hindi na kami mahirapan pag makikipagusap kami sakanila. Hassle kaya nun.

"Bb, ano nanaman ba ang sadya niya?" Tanong saakin ni Jema at tumingala para matignan ako.

Nag kibit balikat nalang ako. I don't know either babe.

Wag lang siya sanang manggugulo dito.

Habang papalapit kami, natatanaw ko na sila ni Ate Amy na para bang may pinaguusapang napaka-importante. Plano nanaman ba niya para masira kami?

"Wag nalang kaya natin sila puntahan, Deanna." Sabi saakin netong katabi ko.

"No. We are going to talk to them, especially Emnas." Ma-atoridad kong sabi. Bakit? Talaga namang kailangan naming silang kausapin, lalong lalo na si Fhen.

"Deanna!" Sigaw ni Ate Amy ng makitang papalapit kami sakanila.

Nginitian ko lang siya ng matamis at tinignan ko naman si Fhen. Nakaupo lang siya. Bagsak na bagsak yung mukha. Akala mo nilukot.

"Ate Amy, anong sadya niyo dito?" Tanong ko ng maka-upo na kami.

Nasa kabilang couch kami, katapat ko si Fhen at katapat naman si Jema si Ate Amy.

"Grabe to! Ikaw ba may ari netong condong to?" Natatawang sabi ni Ate Amy. "Joke. Ano kasi baby Deanns, may gusto lang sanang sabihin si Fhen. Pero ang gusto niya, ikaw lang ang makakausap niya. Jema, pwede ba?" Napatingin naman ako kay Jema na ngayo'y nakatingin din saakin.

Tumango lang ito.

"Bakit hindi siya ang magsabi saakin niya, Ate Amy? Spokesperson ka ba niyan o walang dila yan?" Malalim kong pagkakasabi.

Tinignan ko ang expression ng mukha ni Fhen pero parang wala lang ata sakanya. Wow, parang first time na hindi mainis sa buong buhay niya ah?

"Babe. Sige na magusap na kayo. Aakyat nalang muna kami ni Ate Amy sa unit." Sabi niya sabay himas sa kamay ko.

Tinignan ko si Ate Amy at tumango lang ito kaya tumango din ako at ibinigay na ang susi kay Jema.

Umakyat naman na sila at naiwan na kaming dalawa dito ni Fhen.

Almost 5 minutes din kaming tahimik ditong dalawa sa kinauupuan namin. Nababanas na ako.

"You're just wasting my ti-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsimulat na siyang magsalita.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now