Chapter 44

9.1K 173 9
                                    

Jema's

Ilang araw ko nanamang napapanaginipan yung babaeng yun. At kung ano ano nanaman ang sinasabi niya saakin. Kakilala ko kaya yun? Kasi nakita ko na yung mukha niya. Ang ganda niya nga eh hindi ko makalimutan itsura niya, pero bakit siya ang lagi kong napapanaginipan? Baka mamaya, minumulto ako nun sa panaginip kasi may kasalanan ako sakanya! Huhu wag naman sana.

"Oh, Jema! Ayaw mo bang kumain? Nainit ko na yung ulam natin." Kasama ko ngayon si Ponggay. Iba iba yung nagaalaga at nagbabantay sakin ngayon. Hay nako.

"Ehhh, busog pa kasi ako eh. Kaya, mauna ka nalang kumain hehe. Eat well." Sabi ko sakanya at umupo sa sofa.

Sina Mama at Papa kasi, may pinuntahan pa. Sila Mafe naman, ewan ko kasama ata si Ate Jovi. Tapos sila Ate Ella, Jia at Tots umalis din, may kanya kanyang pupuntahan kaya ang ending kaming dalawa lang ni Ponggay ang tao dito sa bahay ngayon.

Tapos 3 days from now yung ni alis Ponggay, papunta atang New York? Nandun kasi yung kapatid niya, pinagbabakasyon siya. Gusto ko nga ding sumama eh. Kaso baka hindi ako payagan kahit tapos naman na yung pagpapa-therapy ko.

"Ponggay, peram nga ako ng phone mo." Sabi ko kay Ponggay habang kumakain siya.

"Huh? Eh bakit? Ayoko nga! Mamaya kung ano pang makita mo dun eh."

"Wala ako paki-alam sainyo ng boyfriend mo, cellphone mo lang naman ang hinihiram ko. Dali na kasi pahiram na ako." Pagpupumilit ko sakanya.

"Kailangan talagang ipagdiinan na wala kang pake? Tsk. Kunin mo dun sa kwarto mo sa may table. Wag kang mangalikot ng kung ano ano dun ha. Susumbong kita kanila Ate Ella." Tumango ako sakanya at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Gusto ko kasing hiramin kasi idedelete ko yung epic na mga pictures ko dun sa photos niya. Nung isang araw kasi picture kami ng picture, tapos nagpakuha ako sakanya yun pala zinoom niya sa mukha ko. Ayaw pa niya idelete.

Kinuha ko sa side table yung phone niya, buti nalang at walang passcode to. May tiwala naman kasi sakanya boyfriend niyang mas matangkad pa kesa sakin, edi wow.

Binuksan ko na yung gallery and scroll.. scroll.. scroll.. Aha!! Kita ko na yung picture ko, agad ko namang dinelete yun. Pati sa recently deleted binura ko na rin. Para safe.

Ibabalik ko na sana yung phone ni Pongs sa may table hanggang sa may napansin akong picture ng isang babae kasama si Ponggay. 6 months ago pa yung picture and she's with Ponggay and.. me? Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa part na to ng gallery niya pero, yung katabi ko sa picture na to is yung babae sa panaginip ko! Sabi na nga ba, kaibigan ko siya.

I immediately went to Ponggay. Good thing she's already done eating kaya nilapitan ko na siya habang hawak hawak ko yung phone niya.

"Pongs! Pongs!"

"Oh? Ano nanaman ginalaw mo jan sa phone ko? Hay nako, Jema." Hinablot niya naman saakin yung phone niya.

Nagtaka naman ako nung bigla siyang natigilan. Para bang may nakita siyang kung ano sa phone niya? Kaya kinalabit ko na siya.

"Huy? Ayos ka lang-" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla niyang hinablot yung wrist ko at umakyat sa kwarto ko.

Ni-lock naman niya yung pinto at pinatong niya yung phone niya sa may side table.

"Alam kong may gusto kang itanong Jema. Sige na, itanong mo na saakin." Alam niya? Agad?

"Sino yung babaeng.. yung babaeng katabi ko dun sa picture? Sino siya? Nasaan siya?" Tanong ko sakanya.

Same Old Love (GaWong)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن