Fifteen

18.6K 318 13
                                    

Jema's


"Hoy, lovebirds! Bilisan ninyo kumilos! Respeto sa walang jowa!"



Naglalakad kami pabalik ni Deanna sa sasakyan namin nang isigaw iyon ni Ponggay kaya nagtawanan silang kahat. Papunta kami ngayon ng airport dahil ngayon ang flight namin pabalik ng Manila.



"Maghanap ka na kasi ng iyo, Pongs! Maawa ka sa sarili mo," Pang-aasar ni Deanna nang makasakay na kami sa loob.



"Wow, ano ako, naghihingalo dahil walang jowa?"



"If I know, miss mo na si Ko-" Hindi natuloy ni Jho ang sasabihin niya nang takpan ni Ponggay ang bibig niya.



"Please lang, 'te Jho!" Natawa kaming lahat dahil doon sa dalawa. Kung ako ang tatanungin, halatang naka-move on na si Ponggay. Hindi siya apektado pero hindi rin siya kumportable.



Ganoon din kaya si Deanna kung natuloy ang pag m-move on niya sa 'kin?



Naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa bewang ko at isinandal ang ulo sa balikat ko. Parang may kung anong paru-paro ang namuo sa tiyan ko! Kahit kailan ay mahilig magpakilig 'tong babaeng 'to. Lalo na kahapon.. sa tuwing naaalala ko iyon ay parang mas lalo akong nahihiya. Imbes na ako ang bumawi ay siya pa ang gumawa ng bagay na iyon.



Alas seis na ng umaga nang magising ako. Wala na akong katabi paggising ko. Medyo nainis pa 'ko kasi ang balak ko ay gumising nang alas cuatro at isama si Deanna para abangan ang pag sikat ng araw. Hindi ko
pa kasi iyon nagagawa nang kasama siya.



Hinanap ko pa si Deanna bago ako maligo. Simpleng bikini top lang ang suot ko na kulay puti at midi skirt. Basa pa ang buhok ko kaya hindi ko muna iyon tinali. Tinatamad akong lumabas ngayon, panigurado ay nasa labas na sila Jia at puro picture ang inaatupag dahil last day na namin dito ngayon. Pahiga na sana ako sa kama nang may mapansin akong mga pagkain sa lamesa.



"Eh? Wala naman 'to kanina ah?" Tatlong plato lang ang nasa ibabaw ng tray at isang baso ng tubig at isang tasa ng kape. Sa harap ng tasa ay mayroong note na nakasulat.



Good morning, love. I woke up early today to personally cook this for you. Don't ask me how did I do it, nahihiya ako. Please eat this as soon as possible. Maghihintay sa 'yo sila Ate Bea at Ate Ly sa labas. :)

See you later! I love you.



Napangiti agad ako nang mabasa ko iyon. Napakaraming sorpresa ng babaeng 'to. Kinain ko ang inihanda niyang pagkain. Beef Steak, Chicken Curry, and a Mushroom Soup. Palaisipan sa 'kin kung paano niya naluto lahat nang 'to. Bihira lang iyon magluto, eh. Minsan ay labag pa sa loob niya. Pero masarap magluto si Deanna.



Inubos ko ang niluto niyang pagkain habang iniisip kung anong susunod niyang gagawin.


"Hala!" Ngayon ko lang naalala ang sinabi niya! Naghihintay raw sa labas si Bea at Ate Alyssa! Baka kanina pa 'yon sila. Nakakahiya talaga!



Kinuha ko ang sunglasses ko at cellphone bago lumabas ng kwarto para hanapin sila Bea at Ate Ly.



"Jema!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Bea na kumakaway-kaway habang katabi si Ate Alyssa. "What took you so long? Masyado ka naman yatang kinilig sa surprise sa 'yo ni Deanna,"



"Funny ka, para kang si Jhoana." Inirapan ko siya bago lingunin si Ate Ly. "Ano po bang meron?"



"Here, take this. It's from Deanna," Isang maliit na papel iyon na iniabot sa 'kin ni Ate Ly.


Same Old Love (GaWong)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz