Twenty-Seven

12.4K 232 129
                                    

Jema's

Im on my way back to manila, I need to fix this as soon as possible. Tangina kasi. Ano nanaman bang ginawa ni Fhen, last time na nakausap ko siya everything was fine pa tapos eto manggugulo siya? So anong kaplastikan namaman yun. Nakakagago.

Siguro sapat na yung dalawang linggo para taguan si Deanna at magmuni muni. Wala eh, kasalanan ko rin. Ngayon ko lang narealize diba?

Buti nalang at hindi masyadong ma-traffic pabalik, kanina pa kasing umaga ako bumabyahe at medjo malapit lapit na ko. I-tetext ko nalang si Bea kung saan hospital siya dinala, Im sure nandun din siya.

To: Bea de Leon (inayos ko na name niya sa phonebook wew)

Bea, saang hospital dinala si Deanna? Reply ASAP please. Salamat.

Tinabi ko muna ang phone ko sa may shotgun, mag-vivibrate din naman yan mamaya pag nag-reply na si Bea saakin. As of now, kailangan ko munang i-relax yung pag-iisip ko. Ayokong mag-isip ng kung ano anong nangyayari kay Deanna. Ayokong isipin na malala yung ginawa sakanya ni Fhen. Ayoko. Ayoko. Ayoko! Sana maayos parin yung kalagayan niya kahit papaano. Bakit ba kasi ako lumayo? Ah, selfish nga pala ako katulad ng sabi ni Jia saakin.

Pero hindi nga, masama ba talaga yung ginawa ko? Like, okay I know sasabihin niyong sino ba namang tao gagawa nun sa girlfriend niya diba? Ugh. Nasisiraan na ako ng bait.

*bzzz*

From: Bea de Leon

Near your condominium, please Jema paki-bilisan.

Hindi ko na siya ni-replyan at katulad ng sinabi niyang bilisan ko, binilisan ko nalang ang pag d-drive ko. Buti nalang talaga, maluwang ang kalsada kahit 12 pm na.

After hours of driving, naka-rating narin ako ng hospital.

"Nurse, nasaan yung room ni Deanna Wong?" Tanong ko sa Nurse.

"Ahm, Room 5418 po Ma'am, sa 5th floor po, yung dulong dulo." Wow, dulong dulo talaga? Pwede namang ilagay siya sa room na malapit lang at hindi ganoon kalayo ah.

Pero kever nalang, pumasok na ako ng elevator at clinick at 5th floor. Buti hindi pa-stop stop yung elevator kaya mabilis. Taray naman lahat mabilis.

Paglabas ko sa elevator, hindi ko maiwasang kabahan. Napatigil ako saglit at hinawakan ang dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Eto nanaman ako, iniisip ko nanaman na parang may kakaibang mangyayari ngayong araw na to. Lord, please naman sana wag yung iniisip kong masama. Sana walang masamang nangyari kay Deanna. Naglakad na ako papunta sa room niya, pero ang daming pa-liko liko hindi ko alam kung saan yung lilikuan ko wala naman akong matanungang nurse dito kasi mukhang walang dumadaang mga tao, creepy.

Tatawagan ko sana si Bea kaso walang signal. Diminyu.

"Ate Ells ano bang meron parang tanga naman tong mga to! Nakakatakot kaya sa floor na to." May narinig naman akong nagbubulunhan sa gilid, mukhang pamilyar sakin yung boses.

"Ano ba Jho! Wag kang makulit, wala tayong magagawa, pag sa malapit lang na kwarto si Deanna baka mamaya pagtangkaan nanaman ni Fhen yun." Tangka? Anong pagtatangkaan si Deanna?

Hindi na ako nakinig at nagpakita nalang sakanila, nakita ko namang nagulat si Ate Ells at Jho sa kinatatayuan nilang dalawa kaya nagsalita ako.

Same Old Love (GaWong)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt