Eight

19.5K 339 33
                                    

Jema's

You, by the light
Is the greatest find
In the world, full of wrong
You're the thing that's right

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Wala sa sarili akong napangiti nang marinig ang kanta.

"Sino naman 'to? Ang aga-aga." Unknown Number ang tumatawag. Hindi ko sana sasagutin kaso baka hindi rin ako tigilan.

"Hmm? Hello?" Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago humikab. Antok na antok pa rin ako. 5:30 am pa lang kasi.

"A-ah! Sorry, did I wake you up? This is Deanna by the way. New number." Namilog ang mga mata ko sa gulat. Paano niya nalaman ang number ko?! "Ah, hello? Jema? Still there?"

"Y-yeah, yeah! Sorry! Bakit napatawag ka?" Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi sa personal kami nag-uusap. She might find it weird to see me smiling. Mapupunit na ang labi ko kapag nagkataon.

"Ah, ano kasi.. a friend told me na.. I should invite you. We're planning to go to Palawan kasi," Si Jho ba ang friend na tinutukoy nito?

Kahit hindi naman niya ako imbitahin, pupunta pa rin ako dahil ayon ang plano. Hindi ko lang alam kung anong pakana nila Jho.

"Sure. Kailan ba?" I tried my best na ipamukhang wala akong alam. Alam kong ngayon ang flight nila pero ang plano ay baka bukas ako susunod.

"Ngayon na," Ang galing ko!

"H-huh? Omg! Ngayon n-na? Talaga ba?" Mukha akong tanga. Hindi niya pwedeng malaman na excited akong makita siya!

"Joke lang. 2 pm pa ang flight natin." Natin. Ang sarap naman sa pandinig.

"Okay, Deanna! Thank you and.. see you! Good morning by-" By the way.. Tsk! Binabaan ako.

Napanguso na lang ako habang sinisave ang number niya sa contacts ko hanggang sa maka-receive ako ng text mula sakaniya.

From: Deanna Wong

Sorry! Nawalan ako ng signal. I didn't mean to hung up. Hehe. Good morning, Jema! :)

Napangiti na lang ako habang naiiling. Balak ko sanang i-text si Jho kung mayroon bang nagbago sa plano pero sa sobrang excited ko ay nag impake na ako ng mga dadalhin ko para sa Palawan. Oo na, ako na ang sobrang exited. Wala pa man ding alas seis ay naka-impake na 'ko. Daig ko pa ang ignorante, hindi naman ito ang unang beses na pupunta akong Palawan.

Nang matapos ako sa pag i-impake ay nagluto ako ng umagahan ko. Gusto ko pa sanang matulog kaso nawala na ang antok ko. Typical Bacon and Eggs lang ang breakfast ko at Garlic rice. Kailangan kong i-maintain ang diet ko. Hindi lang daw makakatulong iyon sa 'kin physically, pati na rin mentally ayon sa Psychiatrist ko. I've been feeling insecured about my body lately kaya sinusubukan kong bawasan ang pagkain ko. But still, I eat healthy foods. Paminsan-minsan lang ang mga Bacon at kung anu-ano pa.

Nag e-mail na rin ako sa Psychiatrist ko na baka ilang araw akong mawala. May dalawang session kami this week, sana lang ay pwede iyon sa online.


Deanna's

Ate Jho and Ate Bea were teasing me that I should invite Jema for Palawan. They thought I couldn't do it. Well, I admit it, hindi ko talaga kaya noong una. But the thing is, wala namang masama kung isama namin siya, 'di ba? Baka ayon na lang talaga ang kulang kaya hindi ko siya makalimutan.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now