Thirteen

17.7K 324 25
                                    

Jema's


Hanggang ngayon ako nakikipagtitigan lang ako kay Deanna. I refuse to answer her question. Ayaw ko.


"Ano, Jema? Sabihin mo na kasi!" Nataranta na naman ako nang sumigaw siya. Nilayo ko siya sa mga kaibigan namin at dinala sa lugar kung saan tahimik lang at walang masyadong tao. Maaga pa naman kasi.

"Deanna.." Para akong naubusan ng mga salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya. Paano kung.. isipin niyang nag-iinarte lang ako?

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at bumuntong hininga. "Just tell me, Jema. Iintindihin kita."


"That medication.. it's for my mental health. That's it, ayon lang ang pwede kong isagot sa 'yo. Please."

Pinigilan ko ang mga luha ko. I don't want her to see my cry. Alam kong ayaw niyang umiiyak ako sa harapan niya.


"Mental health. Yeah, I understand. I don't want to force you to tell me everything. Ang gusto ko lang, matutunan mong magsabi sa 'kin ng mga ganiyang bagay, because I care. I still care for you, Jema." May kung anong humamplos sa puso ko nang marinig ko ang katagang iyon na galing mismo sakaniya.


Care lang, Jema. Hindi sinabing love.


"Now that I told you the truth, would you do the same?" Ito na nga pagkakataon ko para matanong sakaniya kung mahal niya pa rin ba ako.


"Huh? What do you mean?" I held her hand and squeezed it lightly. Kinakabahan akong itanong sakaniya 'to but I would risk those fears, for her.




"Hindi mo na ba ako mahal, Deanna? Wala na bang pag-asang magkabalikan pa tayo? Kung mayroon pa.. handa akong tumaya ulit. Para sa 'yo. Kasi mahal pa rin kita, Deanna. Hanggang ngayon."





Deanna's

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I am.. speechless. Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko inakala na magtatanong pa siya ng ganoon sa 'kin.


"Deanna? I'm waiting." Kinakabahan ako!

"Huwag kang mag madali.." Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang kaba. I saw her chuckled kaya napawi non ang kaba ko. I took a deep breath before talking.


"Walang.. walang araw na hindi kita minahal. Araw-araw kitang minamahal, Jema. I never stopped loving you. We didn't work but my love for you remains the same. And.. it eventually grew. Lalo na noong naghiwalay tayo. That's when I realized how much you mean to me. Totoo pala talaga iyong sinasabi nila, kapag wala na kayo ng taong mahal mo, roon mo mapagtatanto kung ano talaga siya sa 'yo. And you're my everything, Jema. You will always be my everything,"


"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko kung may pag-asa pa tayo eh.." Natawa ako nang ngumuso siya at parang bata na nagmamaktol.


"Siyempre.. mayroon pa." I smiled at her and she did the same. I pulled her towards me and went for a soft kiss. It feels so surreal kissing her soft lips again. It felt like.. a dream.


Having her back is a dream come true.


We were both catching for our breaths when we broke the kiss. "I love you,"

"Mahal kita palagi, Deanna."



Bumalik kami sa mga kaibigan namin nang magkahawal ang mga kamay. Hindi ko maipinta kung gaano ako kasaya. Pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko sa sobrang pagkangiti ko.


"Anong meron?" Nadatnan namin silang mga nakahawak sa cellphone nila.



"Ate Bea! Ate Jho!" I called them at agad-agad silang lumapit sa 'min.


"Where have you been? We're all looking for the both of you. Nag-aalala na si Ate Ly sainyo. Text din kami nang text-" Naputol ang sinasabi ni Ate Bea nang sunod-sunod na tusukin ni Ate Jho ang tagiliran niya. "Awh! Why?"

Nginuso ni Ate Jho ang kamay namin ni Jema. Nilingon ko siya at nakita kung gaano kapula ang pisngi niya.


"Wala 'to. Wala na 'to, Bea. Hindi na sumunod sa plano 'tong babaeng 'to.." Huh? Anong sinasabi ni Ate Jho?


"You owe me a drink and a kwento, Deanna.."

"Hindi niyo man lang ba tatanungin kung anong nangyari sa 'min?" Natatawang tanong ni Jema sakanila.

"Oh, ano pa nga ba? Oh siya, sige, anong nangyari?" Ate Jho sarcastically asked.


"We continued our love story."

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now