Eighteen

14.9K 283 8
                                    

Jema's

Yesterday was a roller coaster ride. Deanna and I went out for breakfast, and ended up going home late. Sobrang daming nangyari, we enjoyed the rest of the day yesterday. Pumunta kami sa isang Art Museum, we took a lot of photos. We explored and we did a mini adventure. Never a dull moment with this girl indeed.


Kinusot ko ang mga mata ko nang tumama sa mukha ko ang nakakasilaw na sinag ng araw. Madalas talaga buksan ni Deanna ang bintana para raw ay magising ako.


"Good morning! Breakfast is ready!" Naramdaman ko ang pag hila niya sa paa ko mula sa ilalim ng kumot.


"Hoy!" Napabalikwas ako ng bangon nang kiliitin niya 'ko sa talampakan! "Sisipain kita!"


"Aware ka ba na napaka brutal mong tao?" Taas kilay niyang tanong sa'kin.


"Aware ka ba na nakakainis ka?"

"Ouch!" Humawak pa siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan pero naiinis pa rin talaga ako. "Why are you being so grumpy?"


"Masakit puson ko, eh.." Nakanguso kong sagot sa tanong niya. Totoo naman. Mula kagabing pag-uwi namin ay masakit na ang puson ko.


"Okay. Stand up na and eat your breakfast, baby. Hahanapin ko lang hot compress ko." Ngumuso ako habang naglalakad na siya palayo. Bumangon na ako mula sa kama, habang inaayos ko ang higaan ay may nakita akong mantsa sa sapin ng kama!


"Hala, gago!" Natataranta kong tinupi ang kumot bago alisin sa kutson iyong sapin. Puti pa man din 'tong sapin ni Deanna! "Nakakainis!"


"Eh? Love, okay ka lang ba?" Nilingon ko ang gusto niyang mukha. Napakamot ako sa ulo ko habang pinapakita sakaniya iyong mantsa sa sapin niya. Napalitan ng ngiti iyong nag-aalala niyang mukha. "Akala ko naman kung ano na. Give me that and have this instead. Ako na ang maglalaba niyan, just eat your breakfast and wait for me there. Ibababad ko lang 'to."

Kinuha niya mula sa kamay ko ang sapin ay iniabot naman sa'kin ang hot compress na sobrang hot nga bago ako halikan sa pisngi at pumunta sa laundry area niya. Napakagat ako sa labi ko sa kilig. Nawala 'yong sakit ng puson ko at napalitan ng kung anong paru-paro sa tyan ko.


Dumiretso na ako sa dining at naupo sa upuan. Natakam ako sa mga niluto ni Deanna! Mayroong fried rice at dried adobo. Masarap magluto ang girlfriend ko pero alam kong mas masarap pa rin ako... magluto. Hindi ko muna ginalaw ang pagkain at hinintay siyang matapos sa ginagawa niya kahit na nagwawala na ang mga alaga ko.


"Bakit hindi ka pa kumakain?" Napangiti ako agad nang dumating na siya.


"Hinihintay kita. Kainan na!" Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko. Umiling-iling pa siya habang sumasandok ng kanin.

"Lalabas ka ba ngayon?" Tanong ko sakaniya habang nginunguya ang pagkain ko. Gusto kong masolo ulit siya ngayong araw pero baka away-awayin ko lang siya.


"Ponggay invited me over to her condo along with Ate Bea. But I think you'll need me so I'll stay here instead."


"Hala, okay lang, Deanna! Kaya ko naman sarili ko, eh. Mag enjoy ka lang, magkasama naman tayo kahapon!" Kaya ko naman talaga ang sarili ko pero kasi baka kailanganin ko rin siya. Mamimiss ko rin siya, actually, kahit araw-araw na kaming magkasama.


"I will take care of you, love." Kinilig ako ro'n, ah!


Pero hindi pwede! Malakas ako. Gusto kong mag enjoy lang siya ngayong araw at huwag akong alalalhanin.

Same Old Love (GaWong)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ