Chapter 36

9.3K 176 14
                                    

Jema's

Namimili mili lang ako dito, naghahanap ako ng mga snacks namin ni Deanna. Pero nalulungkot parin ako kasi aalis siya, kaya hindi ko siya gaanong pinapansin ngayon. Masakit lang kasi.

Nandito ako ngayon sa Biscuits Section. Nakita ko naman yung favorite ni Deanna, kaso hindi ko maabot nasa taas kasi siya. Hindi naman ako ganun katangkad ni Deanna para maabot ito, tumingkayad ako ng bahagya para maabot yung gusto kong kuhain pero...

"Ay kalabaw ng tae mo!" Biglang napatagilid yung kaliwang paa ko. Kaya ang ending ng katangahan ko, naghulog ako sa sahig.

"Aray ko po.. Deanna, asan ka na baaaaahhhh.." Mangiyak-iyak kong sabi perp as if maririnig ako ni Deanna alam kong nasa dulo yun kung nasaan ang mga gulay.

"Miss? Okay ka lang? Here let me help you." Inilahad naman niya ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon kahit di ko pa naman nakikita ang buong mukha niya. "Ano ba ang nanyari?" Tanong niya saakin habang ako nakatungo parin dahil ginagalaw galaw ko ang paa ko.

Nag angat naman ako ng tingin at nakita ko si....

"Jema? / Tots?" Sabay naming sabi kaya napatawa kami pareho.

Tots Carlos. She's a friend. Ofcourse.

"Sooo, sino kasama mo?" Tanong niya saakin habang nakangisi.

"Si... Si Deanna." Sabi ko sakanya at ngumiti. Nakita ko namang nagiba yung mukha niya ng marinig ang pangalan ni Deanna.

Tahimik lang kami pareho kaya minabuti ko ng magsalita.

"Ahm.. T-tots, mukhang mayaman ang pormahan natin ngayon ah? Naks naman." Natatawa kong sabi para naman mabawasan yung awkwardness namin dito.

"Sus. Ukay lang yan. Hahaha." Natatawa niyang sabi.

Nagkwentuhan lang kami ng mga ilang minuto. Hindi ko na nga tuloy nakuha yung kukuhain ko dahil ang daldal nitong ni Tots. Nag ibang bansa pala siya para doon ituloy ang career niya kasama ang family niya. Halos 3 and a half years din siya duon, dahil naalala ko, noong huling kita namin, magkaayos pa sila ni Deanna.

Haven't I guys tell you na, magkagalit sila? Mas malala pa nga ata ang galit niya kay Tots kesa kay Fhen. Tots is the bestfriend of Deanna, like really really matalik silang magkaibigan. Ayaw nilang dalawa yung puro secrets sa friendship nilang dalawa. Kaso, Im the reason kung bakit nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Tots fell inlove with me. Unexpectedly. Hindi ko nga alam eh, nalaman ko lang yun nung narinig ko silang naguusap ni Deanna.

flashback

"D-deanna, hindi ko naman sinasadya na mahulog sakanya. Bro, I swear I didn't-"

"Are you kidding me? Hindi mo sinasadya? Kaya pala halos ikaw na rin ang sumundo sakanya nung mga panahong inaayos ko yung dapat kong ayusin para sa ikabubuti ng relasyon naming dalawa?!"

"Oh ano?! Gago ka palang ahas ka eh! Layuan mo girlfriend ko kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso."

"Please. Deanna. Magkaibigan tayo diba? Patawarin mo naman ako, wala akong balak na agawin sayo si Jessica. She's all yours. Just... Just let me explain. At wag mo din siyang ilalayo saakin dahil kaibigan ko siya."

"Fuck that! Anong gusto mo?! Lagi mo siyang kasama? Eh gago ikaw ba yung shota?! Listen to me carefully Tots, you, will stay away from Jema. And never, ever, go near to her. I swear to God."

end of flashback

Hindi ko alam kung ang babaw ni Deanna nung mga panahong yon. Alam kong ayaw niya akong mawala sakanya, yun yung mga panahon na hindi pa kami naghihiwalay. Ang taas ng pride niya kasi noon. Kung anong gusto niya, yun ang masusunod.

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Tots.

"Ayos ka lang? Mukha kang nag d-daydream. Tara? Kain tayo. I'll treat you. Pero, bayaran muna natin mga pinamili natin." Tumango nalang ako sakanya. Besides, sana eto na yung tamang panahon para magkaayos sila ni Deanna.

Pagkatapos naming bayaran lahat ng ito, dumiretso naman kami sa malapit din na resto na halos sa kabila lang din naman. Nakalimutan ko nga palang tawagin si Deanna.

"Uhm, Tots? Teka lang ha? Tatawagin ko lang si Deanna." Sabi ko sakanya ng mailapag ko ang mga na grocery ko.

"Huh? Teka Jessica, ipatawag nalang natin kay Kuya." Pagkasabi niya non ay bigla niyang kinalabit yung lalake sa may pintuan.

Pipigilan ko sana siya kaso nagsalita na siya.

"Can you please call the lady over there? She's Deanna Wong. And please? Don't tell her na ako ang nagpatawag sakanya." Tumango naman yung lalaki sa sinabi niya at agad din lumabas.

Kinalabit ko naman siya kaya napatingin siya saakin.

"Kilala mo? Close kayo?" Seryoso kong tanong sakanya pero tumawa lang siya. Abnormal ka na ba, Carlos? "Luh? Nakakatawa yon ha?!" Taas kilay kong tanong sakanya pero ginulo niya lang ang buhok ko.

"Ewan ko sayo Jessica. Order na ako para sainyo ni Deanna."

Hanggang ngayon Jessica parin ang tawag niya sakin. Ang bakla ha? Charot. Perp halatang mabait si Tots at hindi niya magawang magalit kay Deanna at magtanim ng sama ng loob sakanya. Umupo nalang ako habang naghihintay sa dalawa. Lumingon naman sa gawi ko si Tots kaya nginitian ko nalang siya.

Tumingin tingin lang ako sa paligid ng may narinig akong pamilyar na boses. At amoy palang din kilalang kilala ko na.

"Babe." Lumingon lang ako sakanya ng naka poker face.

Bigla namang dumating si Tots hawak hawak ang pagkain na inorder niya para saamin ni Deanna.

Halatang gulat si Deanna. Ngayon lang sila ulit nagkita, wala din naman silang communication sa isa't isa.

"Deanna Wong, nice to see you again." Napatayo ako bigla dahil alam kong hindi ineexpect ni Deanna na mangyayari to.

"Siya yung kasama ko dito, siya rin yung nagpatawag sayo." Seryoso kong sabi sakanya pero ngumisi lang siya.

"Ah ganon? So you'll treat us, Ms. Carlos? Well for your info. I have my own money and I can buy myself my own fucking food." Nakangising sabi ni Deanna kay Tots.

Hindi naman pala-patol tong si Tots kaya ngumiti lang siya. Alam kong totoo ang ngiting ipinapakita niya saamin ngayon.

"I didn't mean to offend you, Deanna. If you want, i-order mo ang sarili mo pero ililibre ko si Jessica." Halatang nainis si Deanna sa sinabi niya kaya bigla nalang siya lumabas ng resto.

"Tots, sundan ko lang. Sorry." Tumango naman siya kaya lumabas na agad ako ng resto para sundan si Deanna.

Hindi ko alam kung saan na napunta yun, ang bilis pa naman nun maglakad. Pinuntahan ko siya sa may parking pero wala na ang kotse niya. Malapit lang naman kasi ang pinag-park-an nun kaya kita agad. Iniwan niya ko? Dahil lang sa galit niya? Hinayaan niya lang ako dito? Dahil sa kadahilanang galit siya kay Tots at nalaman niyang magkasama kami? Its been years. Sana naman ay kinalimutan niya yun, hindi yung bigla bigla niya nalang akong iiwan dahil sa letcheng pagiging ma-pride niya. Hindi ko inaakalang magkakaganon si Deanna.

Napatigil ako sa pagiisip ko ng biglang may bumusina sa likod ko at...













"Jema!!!!!"

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now