Eleven

17.2K 317 6
                                    

Deanna's

Nakita na namin ang mga rooms na pag s-stay-an namin. Masyadong malaki ang kwarto para sa dalawang tao. Sana ay dalawang rooms na lang din ang kinuha ko, pwede naman yata ang apat na tao sa iisang kwarto.

The whole day, puro pahinga at picture pa lang ang nagagawa namin. Bukas na siguro ang mga activities at pag swimming. 7pm na at kailangan na naming mag dinner.

"Oh, seating arrangement ulit!" Napakamot ako sa ulo ko. Hanggang dinner ba naman ay may arrangement ulit?!

"Ella, huwag mo idamay 'tong mga 'to sa pagiging mag-isa mo sa buhay. Oo na, ako na ang tatabi sa 'yo. Hayaan mo na sila!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Ate Ly. Inirapan lang siya ni Ate Ella bago naupo sa lamesa.

Uupo na sana ako sa tabi ni Ponggay nang hilain niya ang upuan palayo. "Lah!"

"Lah ka rin? Bakit dito ka? Doon ka oh!" Nginuso niya ang pinaka dulong upuan kung nasaan si Jema. "Tabihan mo iyon. Lonely, oh. Kawawa naman."


"Ponggay, nakakasakit ka na. Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na akong katabi?" Umakto akong nasasaktan at humawak pa sa dibdib ko. Baka kasi maging awkward pa. Hindi ko rin malingon si Jema.

Dumating na ang mga order naming pagkain. At the end, sa tabi rin ako ni Ponggay naupo. Jema has been quiet the whole dinner. Paminsan-minsan ay nakikitawa lang siya kila Ponggay, pero hanggang doon lang. She never talked to any of us.


"Guys, guys. Pansinin niyo naman si Jema," Thank God at napansin din ni Ate Jia.

"Sis, humihinga ka pa ba?" Ponggay joked and they all laughed. Aside from me.


"Yeah, sorry. Kausap ko kasi si.. Fhen."


"Kaya naman pala," Bulong ko sa hangin bago inumin ang juice ko.


"May sinasabi ka, Deanna?" Mapang-asar na tanong ni Ponggay habang nangingiti pa.


"We are here to enjoy, not to use our phones especially during dinner. That's disrespectful."

Mariin ko iyong sinabi. Hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis. Is it really because I find it disrespectful that she's using her phone while we're eating dinner? Or I'm pissed after knowing she's actually talking to Fhen?


"Kain lang kayo. I'll just go to the comfort room," Pilit akong ngumiti bago tumayo at tumungo sa pinaka malapit na banyo.

What the hell is happening with you, Deanna?




Jema's


Nang dahil kay Fhen nag walkout iyong isa. Nakakainis kasi ang kulit kulit nung babaeng iyon. I was just stalking Deanna's twitter account nang mag flood siya ng messages. She wants us to meet but I told her I can't since I'm out of town. Pero nagpumilit pa rin siya at sinabing susunduin ako. Naabala tuloy ang dinner namin kanina.


"Je, ano nang plano natin?" Tumabi sa 'kin si Jho at Ponggay.

"According to Ate Ly, bukas daw ay puro water activities tayo! So, paano kayo makakapag-usap dalawa?"

"Gaga! Eh, share nga sila ng room 'di ba?"

Isa pa pala iyon. Naiilang ako dahil mamayang gabi, magkasama kami sa iisang kwarto. Well, hindi lang naman isang kama ang naroon pero kahit na. Hindi pa rin ako sanay. Matagal na iyong huling beses na nagkasama kami sa iisang silid. I find it awkward ngayon.

"Teka, nasaan na si Deanna?" I just realized she's not here yet. Ilang oras na ang nakalipas noong nagpaalam siya na pupunta lang siyang comfort room.


"Hala! Baka kinain na ng banyo si bakla?!"


Natataranta ako sa sobrang pag-aalala sakaniya. Ilang oras na kasi simula noong umalis siya sa hapag, hindi niya nga naubos ang kinakain niya. Feeling ko kasalanan ko. Alam ko rin naman kasing ayaw niyang mag gumagamit ng cellphone kapag kumakain kami dahil ayon ang turo ng mama niya sakaniya.


"Ako na lang maghahanap sakaniya. Baka nariyan lang iyon sa tabi-tabi," Pag prisinta ko. Hindi ako mapakali sa pag-aalala sakaniya.


"Nako, Jema. Huwag na, masyado nang madilim. Baka mawala ka lang din," Pagtutol ni Ate Ly at sumang-ayon naman silang lahat pero umiling lang ako.



"Hindi pwede, Ate. Baka mamaya kung ano na nangyari roon, ako na po ang hahanap sakaniya." Agad akong umalis para hindi na nila ako mapigilan.


Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan hahanapin so Deanna. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya.


"Kung saan-saan ka na naman nagsususuot, Wong!"

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now