Seven

19K 365 24
                                    

Deanna's

I'm currently with Ate Jia and Ate Jho today. Kailangan kasi naming mamili ng mga gamit namin for Palawan. The main reason why I planned a trip to Palawan is because gusto kong makapag-relax and makalimot, siyempre.


I invited Ponggay, Ate Bea and many more. I want to invite Jema pero... I remembered na the main reason why I want to relax and think is because of her.


"Jema!" Jema? She's here? Napalingon ako kay Ate Jho at Ate Jia. Sigurado akong tama ang narinig ko.


"Jema? Jema's here?" I asked them both.


"Gaga! Anong Jema sinasabi mo riyan? Lutang na naman 'tong anak mo, Jhoana." They both laughed, pero I'm pretty sure they're just pretending na wala silang binanggit.


Ate Jia knew about our break up when we met when she arrived from States. She told me I could've told her but I didn't. I just don't want to disturb her peace.


Tumingin ako sa paligid, pero nagmukha lang akong tanga kasi wala naman talaga siya. There you go again Jema, hindi mo naman kasalanan pero parang minumulto mo ako kahit saan ako magpunya. Ganoon ba kita ka-mahal?


"So Deanna, what's with Palawan? I mean, anong meron at gusto mong pumunta doonn?" Ate Jho started the topic while we're eating Ramen.


"Wala lang, ate. Bawal mag relax?" I chuckled. "At saka isa pa, it's been 2 years simula nung nakapag-out of town ako. Also, I just think it's a way for me to decided if I should continue or give up hoping.. you know." I explained to the both of them and they just nodded.


While Ate Jia is talking to her boyfriend, I noticed that Ate Jho is busy with her phone.


"Hey, who are you talking to? Is that ate Bei?" panggugulo ko sakanya pero focus lang siya sa kausap niya, kaya lumapit ako sa may bandang tenga niya at bahagyang sumigaw.


"Woi!"

"Ay, Jema!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalang binanggit ni Ate Jho. Ayaw ako lubayan ng pangalan na 'yan. Kung kailan gusto kong makalimot ay palaging pangalan niya ang naririnig ko.

Jema's

Nasabi na sa 'kin Jho kung bakit gustong pumunta ni Deanna sa Palawan. Para makalimutan niya na 'ko. Hindi ko naman siya masisisi kung ayon talaga ang nararamdaman niya. Masakit nga lang.


Narito ako ako mall ngayon para mag grocery. Naubos na kasi ang stocks sa apartment ko at wala na akong makain. Nang matapos akong mag grocery dumiretso ako sa banyo pero masyadong mahaba ang pila. Ihing ihi na ako!


"Kaya ba today,"

Habang nag hihintay ako ay binaba ko muna ang mga dala ko. Masyadong mabigat at marami. Baka mabali ang kamay ko.

"Uh, excuse me? It's your turn already, ate" Napalingo ako nang mayroong kumalabiy sa 'kin.


"Deanna?"

"Jema?"

Sa sobrang gulat namin pareho ay hindi kami nakapag salita! Nakatitig lang kami sa isa't isa. Parang noong unang beses ko siyang makita matapos ang ilang taon, pilit akong lumalayo sakaniya. Pero ngayon, ni-putulin ang pagtititigan namin ay hindi ko magawa-gawa.



"Hoy, mga ineng! Kung magtititigan lang kayo, huwag dito! Naiihi na kami!" Nagulat kami pareho ni Deanna nang sumigaw ang isang babae sa likuran namin.


Sinamaan niya kami ng tingin bago pumunta sa first cubicle. Pareho kaming natawa ni Deanna sa reaction nung babae. Teka, iihi nga pala ako?


"Ah, Deanna-"

"Deanna! Napaka tagal mo!" Napatingin kami pareho ni Deanna sa labas nang may nag echo na boses habang papasok ng banyo.

Si Jho!

"Hala! Artista!" Sinamaan ko ng tingin si Jhoana. Kaya pala hindi nagrereply sa text ko kanina! Magkasama pala sila!

"Nasaan si Ate Jia?" Dumating na pala siya?

"Nauna na. Sinundo ni Miguel, eh."

Pumasok si Deanna sa loob ng isang cubicle. Siniko ako ni Jho sa tagiliran ko. "Aray!"

"Ikaw maharot ka! Hindi makapag-intay sa Palawan, huh? Nako, nako!" Pang-aasar niya habang hinihintay namin si Deanna.

"Manahimik ka. Kanina pa ako naghihintay ng reply mo! Paano na ba gagawin natin? Ano na plano ninyo ni Bea mo?"


Naputol na naman ang pag-uusap namin nang lumabas na si Deanna sa cubicle. Umakto kami ni Jho na nagtitingin-tingin sa kabuuan ng banyo. Hindi na ako nakaihi! Lintik!

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now