Chapter 37

9.5K 189 19
                                    

Tots'

Nandito ako ngayon sa hospital. Nasa emergency room ngayon si Jema. Nabangga siya ng isang sasakyan kanina. Buti nalang at lumabas ako ng resto, kundi baka mas malala pa ang nangyari sakanya. Tumama ng malakas ang ulo niya sa may kotse. Hindi man lang bumaba yung gagong driver na yun at pinaharurot at sasakyan niya palayo.. Hinayaan niya lang si Jema. Wala pa akong balitang natatanggap mula sa Doctor or sa Nurse man lang. Hindi ko rin ma-tawagan si Deanna. Halos isang oras ko na siyang tinatawagan pero cannot be reach.

Ginamit ko narin ang phone ni Jema para tawagan si Deanna pero wala din. Hindi na ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Hindi ko alam kung kanino ko ibabalita ang nangyari sakanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

Lumipas ang halos 40 minutes at may Nurse na lumapit saakin kaya napatayo naman ako.

"Ma'am? Kayo po ba ang kasama ni.. Uhm... Jessica Margarett Galanza?" Tanong niya matapos tignan ang papel na hawak niya. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Nilipat na po siya sa Room 504. Nandun na din po si Doc, siya nalang po ang kakausap sainyo."

"Sige. Salamat." Yun nalamang ang nasabi ko sakanya at pumunta na sa kwarto na sinabi niya.

Nag vibrate naman ang phone ni Jema kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Bea pala kaya agad ko din namang sinagot.

OTP:

"Jema? Where are you? Si Deanna kasi nandito. Umiinom, kanina pa siya nagwawa-" Takte naman Deanna sumabay ka pa.

"Bea? Bea si Tots to, Tots Carlos."

"Hmm. Tots? Oh? Bakit ikaw ang suma-" Hindi ko na siya dapat patapusin pang magsalita dahil kailangan niya ng malaman ang lahat ng detalyeng nangyari kay Jema.

"Please tell Deanna quit being a bullshit. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan ko dinala si Jema. Hindi ko alam kung anong kalagayan niya at wala akong pakialam kung nagwawala si Deanna, pumunta nalang kayo dito dahil kailangan niyong malaman ang kalagayan niya at alam kong kayo lalong lalo na si Deanna ang kailangan ni Jema." Binaba ko na ang tawag at pinihit na ang doorknob ng kwarto.

Nakita ko si Jema, ang daming nakakabit sakanya. Ano ba talaga yung kalagayan niya? Hindi ko alam.

"Doc? Kamusta na po ang kalagayan niya?" Tanong ko ng makalapit sa Doctor.

Seryoso niya naman akong tinignan at ibinaling naman din yun kaagad kay Jema.

"The patient.. She's not fine. She is in a very critical condition right now. Siguro, mukhang simple lang ang pagkatama ng ulo niya pero no, malakas ang impact neto sa ulo niya." Sabi niya ng diretsahan kaya bigla akong kinabahan.

"S-so, you-you mean?"

"She's in a comatose. Hindi pa natin alam kung kailan siya magigising." Para akong nabingi dahil sa narinig ko.

Kung hindi sana ako bumalik, edi sana hindi siya nagkakaganyan. Kung hindi sana ako nagpakita, edi sana hindi nagalit si Deanna at hindi niya sana naiwan si Jema. Kung wala nalang sana ako, edi sana maayos pa silang lahat. Kung hindi ko nalang sana nagustuhan si Jema, edi sana pati kami ng bestfriend ko maayos pa. Letcheng buhay ko! Lagi nalang magsisisi kung kelan may malala ng nangyari. Puro kagaguhan nalang ang nagagawa ko, wala na akong nagawang tama sa buong buhay ko. Puro pagkakamali. Pati sarili kong kaibigan, nagawan ko ng isang pagkakamali na kahit kelan hindi ko sinasadya. Can we go back to the days that everything's fine? That everything is just so smooth and all. Kung pwede lang sana, kung pwede ko lang sanang maibalik ang nakaraan sana nagawa ko na.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now