Chapter 34

10.7K 204 13
                                    

Jema's

Tapos na akong maligo at nagsusuklay nalang ako hanggang sa makaramdam ako ng yakap mula sa likod. Syempre kilala ko na to, alangan namang ibang tao pa ang yumakap mula sa likuran ko eh kaming dalawa lang naman ang nandirito.

"Ang bango mo naman po." Sabi niya sabay amoy sa leeg ko. Habang tumatagal nagiging manyak na tong si Deanna ewan ko ba kung bakit. Saan niya kaya natutunan ang mga iyan.

"Ikaw ba namang maligo pero hindi naging mabango." Natatawa kong sabi kaya napatawa nalang din siya dahil sa sinabi ko.

Umalis naman siya sa pagkakayakap saakin kaya kumunot naman ang noo ko. Nakita ko namang pumasok siya ng kwarto. Eh! Gusto kong nakaganun lang siya saakin. Jk.

"MARIA DEANNA!!!!!!" Sigaw ko sakanya kasi nga gusto ko pa siyang makasama. Atska may gusto akong sabihin sakanya no.

Wala pang sampung segundo at lumabas na siya ng kwarto ng nagmamadali. Pinipigilan kong hindi tumawa kasi mukha siyang tanga.

"W-why? Anong nangyari sayo? May problema b-ba? Sabihin-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi halatang natataranta na siya eh. Kawawa naman ang bb ko.

"Relax ka lang, b. Tense na tense ka naman eh." Kumunot naman ang noo niya. "Namiss lang naman kita kaya kita tinawag." Ngiting sabi ko sakanya at yung mukha naman niya parang nabutan siya ng tinik sa dibdib kasi nawala na yung pagka-kaba niya.

"Tska, may gusto akong sabihin sayo babe." Hinila ko naman siya sa sofa at umupo kami pareho.

"Nakakakaba naman yan. Ano ba sasabihin mo? Hindi mo na ba ako mahal?" Lumungkot naman ang nukha niya.

Minsan talaga may pagka-abnoy to kung mag-isip e parang timang din minsan.

"Gaga! Sinasabi mo jan. Iba kasi to, ayaw mo muna kasi pagsalitain batukan kita Deanna eh." Natatawa kong sabi kaya nag-peace sign naman siya saakin. "Gusto ko kasing-" Hindi na ako natapos sa pagsasalita ko dahil may pumasok sa unit namin kaya napatingin naman kami duon.

"Gooooooooooodafternoon, lovebirds!!" Masiglang bati saamin ni Ate Jovi at Mafe. Grabe naman mambulabog netong mga to, wala man lang pagkatok sa pintuan napaka bastos.

"Wala na bang pintuan saatin at hindi kayo marunong kumatok bago pumasok?" Sabi ko sakanila at umirap.

"Ate Deanna, ano ba pinakain mo jan at ang sungit sungit-teka, may pinakain ka kay Ate Jema kagabi no?" Nakangising tanong ni Mafe kay Deanna kaya nabatukan ko naman habang si Deanna nagkakamot ng batok.

"Kumpirm, Mafe." Mahinang bulong ni Ate Jovi pero sapat lang para marinig ko kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Ewan ko sainyo Ate Jovi, Mafe. Kumain na ba kayo? I'll cook." Volunteer ni Deanna. Hindi ko na tuloy nasabi sakanya yung gusto kong ipaalam, kasi tong dalawang to eh.

"Ay nako Te Deanns, don't stress yourself sa pagluluto, ocakes? Tara, kain nalang tayo sa labas. Treat ni Ate Jovi." Don't stress yourself eh ganun din yun? Napagod lang din kami kasi lalabas pa, mas mabuti pang dito nalang.

"Tigilan mo ko Mafe wala akong sinasabing manlilibre ako." Isa din yang dahilan na yan, kelan pa nanlibre tong si Ate Jovi eh siya nga laging nambuburaot.

"Okay then, dito nalang tayo at ako na ang magluluto. Punta lang ako sa kusina." Sabi naman ni Deanna at humarap saakin kaya naman kumunot ang noo ko. "Oh? Kailangan mo? Kala ko ba magluluto ka na?" Tanong ko habang naka-taas ang kanang kilay ko.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now