Twenty-Six

10.8K 223 63
                                    

Jema's

Mali bang nagsinungaling ako kay Deanna na babalik ako? Mali bang sinabi kong saglit lang akong mawawala? Mali bang hindi ko din sinabi sakanya yung totoong dahilan?

Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko sakanya. Anong kalokohan nanaman ba to Jema. Sinasaktan ko nanaman si Deanna. Iniwan ko naman siya, pero babalik naman ako eh pero tulad nga ng sinabi ko hindi muna ngayon. Gusto ko mag-isip isip, gusto ko munang malayo si Deanna sa gulo na ako yung dahilan, kaya ako nalang yung lalayo sakanya kahit masakit rin para saakin.

Gusto ko na munang mapag-isa, mag muni muni ganun. Hindi naman ako nagsisisi na binalikan ko si Deanna at gumawa ng paraan para magkabalikan kami, pero dati kasi hindi naman kami ganito, hindi ganito yung sitwasyon naming dalawa. We're free to do anything what we want, pero dati yun. Alam kong sinabi ko kay Deanna na mas malakas kami, mas malakas kami sa mga taong sumisira saamin pero bakit parang ako yung dahilan kung bat kami nasisira? Ang masakit pa doon, ako na nga ang dahilan, tapos siya yung lalong nasisira. Ayoko maging dahilan ulit ng kalungkutan at frustration ni Deanna.

10 missed calls from Babe D

Kanina pa niya ako tinatawagan, naguguilty ako sa tuwing hindi ko sinasagot ang calls niya. Oo, ako na yung masamang tao. Even Luigi texted me, he asked me kung ano daw ba talagang nangyari saamin ni Deanna pero hindi ko rin siya sinasagot.

OTP:

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Jema? Nasasaktan mo nanaman si Deanna." Papunta ako ngayon ng Baguio, feel ko lang dun mag-muni. Pero tumigil muna ako sa isang convenience store kasi kausap ko si Cy.

"Oo, Cy. Siguradong sigurado, alam kong nasasaktan ko si Deanna at mali tong ginagawa ko pero para maayos na ang lahat gagawin ko to." Napaka-bullshit ba ng reason ko? Oo, bullshit din kasi ako.

"Ewan ko sayo, Galanza. Nagpapa-dalos ka nanaman sa nararamdaman mo. Bahala ka nga." Yun nalang ang huli niyang sinabi at binaba na ang tawag.

Hindi ko pagsisisihan tong ginawa ko. Alam kong makakabuti rin to para kay Deanna.





After 2 weeks

Ang bilis pala ng oras at panahon. Dalawang linggo na ako dito sa Baguio, yung plano ko sigurong dalhin sa HK si Deanna is pag naayos na ang lahat.

Dalawang linggo na akong nagtatago sakanya, dalawang linggo na akong nakakatanggap ng mga texts galing sa mga kaibigan niya na araw araw daw siyang naglalasing. Sa loob ng dalawang linggo na nakalipas, wala parin akong paramdam sakanya kahit na tumatawag at nag-tetext siya sakin at tinatanong kung nasaan ako.

Pati pamilya ko nag-aalala na rin para saakin. Miski sila hindi alam kung nasaan na ako. Walang ibang nakakaalam kundi sarili ko lang. Sorry. Ang dami kong pinag-aalala at sinasaktan ng sobra.

Naglalakad lakad lang ako dito, hindi naman masyadong malamig ngayon. Pero ako ata yung nanlalamig, hahaha joke lang. Sa loob ng dalawang linggong pag-stay ko dito, walang gabi at araw na hindi ko siya namimiss. Syempre, girlfriend ko si Deanna ofcourse I'll miss her.

"Jema? Uy!" Napalingon naman ako sa nag-salita at nakita ko si Jia. Nako po.

"U-uy!" Nauutal na ako pero sige, ngumiti ka lang Jema. Kunwari hindi ka rin tinanong noon ni Jia kung bakit iniwan mo nanaman si Deanna. Magpanggap kang wala kang alam.

"Nandito ka lang pala, sino kasama mo? Ikaw lang ba? Alam na ba ni Deanna na nan-" Hindi ko na siya pinatapos pa.

"No! Jia, please wag mong sabihin kay Deanns na nandito ako at nakita mo ako." Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Gago ka ba Jema?! Araw araw umiiyak si Deanna ng dahil sayo! Ang selfish mo naman, ganyan ka ba mag handle ng sitwasyon na ganito?! You're hurting her! For the past 2 weeks hindi mo alam kung anong pinagdaanan niya, sana pala hindi mo nalang siya binalikan kung sasaktan mo lang ulit naman. You don't even know how sick she is, how lonely and sad she is! Dahil sa pag-iinom niya gabi gabi sa bar, napahamak siya! Because of you again, Jema." Anong sinasabi niyang napahamak nanaman si Deanna?

"Ofcourse hindi mo alam. She's at the hospital for almost 4 days. Binalikan siya nung taong dahilan kung bakit siya nagkaroon ng sugat noon sa labi. And you know who did it? Ang magaling mong ex na inggitera!" Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdam, sa mga sinasabi niya alam kong totoo ang lahat ng iyon. Hindi kayang magsinungaling ni Jia.

Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilaang balikat ko.

"Please. Kung sasaktan mo lang ulit siya, wag mo ng ituloy. Nahihirapan din kaming makita siyang ganun. Pakiusap Jema, pakiusap." yun na ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang umalis.

Kasabay ng pagalis niya, tumulo naman ang luha ko. I fucked up! Lahat ng to dahil saakin.





Babalik akong Manila at doon ko tatapusin ang lahat.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now