Chapter 42

9.3K 185 47
                                    

Deanna's

Hindi ko alam kung bakit ko pinapahirapan yung sarili ko. Kung bakit ako nagtitiis sa ganito. Kung bakit lalo ko lang pinapalala yung sitwasyon namin ng taong mahal ko.

3 months din ako nawalan ng connection sa mga kaibigan ko sa pilipinas, kay Jema. At oo, masama na kung magpaparamdam nga ako, pero alam na nila yung tungkol sa pinost kong picture.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko para ipost yung litrato namin ni Celine. Alam kong nakita na nila yun, at alam kong nabigla din sila. Kung nagtataka kayo kung ano yun? It's a picture of me and Celine with our... our wedding organizer.

Im getting married within 3 months, at kung suswertehin ka nga naman talaga, sa Pilipinas pa gaganapin ang kasal namin. I know I should've disagree with the wedding, pero ayokong malayo saakin si Jema. It's my father and Celine's father deal, that if kinasal kami, her father will invest 95% stocks. Akala ko noon, may problema talaga sa company pero wala pala talaga.

Tinakot niya ako, na pag hindi ako pumayag sa gusto niya, mapapahamak si Jema at lalong malalayo saakin, at ayokong mangyari yun.

Ang sabi saakin ni Papa, bumaba daw ang ranking ng company namin kaya kailangan ko siyang tulungan. Kaya sumunod ako dito, but I found out that our company is the highest sa ranking at wala namang problema.

I confronted my father, siya pa yung may ganang magalit dahil labag pa daw sa kalooban ko ang pagsunod sakanya dito. At yung araw na tinext ako ni Mafe, ayun yung araw na in-announce niyang ikakasal na ako kay Celine. Just for the sake of our company, itataya niya yung kaligayahan ko para sa taong hindi ko naman talaga gusto.

"So, everything is all set na babe. We'll just wait for our wedding day! Im soooo excited, siguro I shouldn't eat too much na, right? Baka kasi hindi magkasya saakin yung gown eh." Napabalik ako sa ulirat nang mag-cling si Celine sa braso ko.

Si Jema dapat yung pakakasalan ko, hindi siya.

Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko at lumayo ng konti sakanya. Nasa Coffee shop kasi kami ngayon.

"Yeah. Inayos mo na ba yung passport mo? The day after tomorrow will be our flight to the Philippines." Alam kong masyadong maaga para umuwi dahil ang plano niya, a week before our wedding kami uuwi.

Pero ayoko, gusto ko na makita ang Jema ko. Gusto ko ng linawin sakanya ang lahat.

"W-what? Malayo pa naman ang kasal natin ah? Don't tell me..."

"Oo, siya yung dahilan kung bakit gusto kong umuwi. Can't you see it? Siya yung totoong mahal ko at hindi ikaw."

"Deanna. Mahal kita, sa tingin mo ba papayag akong mawala ka kahit sandali palang tayong nagkakilala? Alam kong napipilitan ka lang sa kasal natin. Pero bakit ayaw mong subukan na mahalin din ako?!"

Alam niya naman pala eh, bakit kailangan niya pang ipagpilitan yung sarili niya sakin. Kahit kelan hindi magiging siya. Dahil ko kayang ipagpalit si Jema para lang sa katulad niya.

Ayokong makipagsabayan sakanya ngayon. Madaming tao, hindi ako scandalosa. Hindi ako katulad niya.

Dali dali kong inayos yung gamit ko at lumabas ng Coffee Shop at tumungo agad sa Parking Lot. Sana naman dala niya yung kotse niya hindi yung makikisabay pa siya saakin.

Nasa tapat na ako ng kotse ko at pumasok na sa loob, at naglock. Pati yung pinto sa likod nilock ko din. Tss.

Nagulat naman ako kasi kumakatok siya sa bintana ng kotse ko.

Punyeta.

"Open the car's door! Hindi ko dala yung sasakyan ko!" Manigas ka jang babae ka. Masyado kang desperada para sa pagmamahal na hindi naman kayang ibigay sayo.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now